47. DAWN

1K 107 20
                                    


FLEX

"Monyo tumak—." lumingon ako sa kaniya ngunit wala na siya sa likod ko.

Paanong nangyari yon?

Umingay ang mga tao malapit sa entrance dahil nagsitumbahan ang ibang kasama nila. Nakatitig pa rin sa akin ang leader ng Red Roses. Nagsitinginan sa likod ang lahat ng tao kaya lumingon ako at tumingin sa stage.

"That's her?" tanong ni Cormac habang kausap si Henry na kakatapos lang kumanta.

"I think." sagot naman ni Henry.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil nakatuon kanina ang buong atensiyon ko sa pagtakas ni Monyo.

"Miss lady in Red?" tawag ni Cormac sa leader ng Red Roses. Ibinaling naman kaagad ng babae ang atensiyon niya sa stage. "Pwede ka ba naming maanyayahan sa stage?" pagpapatuloy ni Cormac.

"Thank God!" mahinang sabi ko.

Marahan na lumakad ang babae. Nilagpasan niya ako ng hindi man lang kumukurap. The next thing I know she is in the stage.

"What's your name?" tanong ni Cormac sa babae pagkatapos maibigay ang mic dito.

"Em." her only word.

"Just Em?" tanong ni Cormac.

"Just Em." she smiled mocking Cormac's word.

Nakatayo sa gilid nila si Henry. I don't know kung sa akin siya nakatitig dahil direkta na nakatutok ang mga mata niya sa akin. Nagising ako sa katotohanan. This is my opportunity to help Monyo. Naisip ko na lumabas ng gym habang nasa stage pa si Em na Leader ng Red Roses.

"Saan kayo pupunta Miss?" tanong ng bantay na Officer sa entrance.

"Pwede ba akong lumabas?" tanong ko.

"Saan ka ba pupunta?" ani Officer.

"Sa labas." ngiti ko pero sa totoo lang ay nate-tense na ako.

"Magsi-CR po kayo?" tanong ng SSG Officer. "Kasi mga nagsi-CR lang pinapayagan naming lumabas."

"O-Oo! Naiihi na ako." biglang ani ko.

"Magsi-CR daw to oh." sabi niya sa katabi niyang officer.

"Sige payagan mo!" tugon ng katabi niya. "Sabihan niyo nga si Manong na ayusin na kaagad ang nasira doon sa CR ng girls." dagdag niyang utos.

Sira pala ang Comfort Room ng girls kaya ganoon. Buti na lang.

"Labas ka na Miss." ngiti ng kausap kong officer.

"Salamat." ani ko.

Nagpalakad-lakad ako sa labas. Hinahanap ko kung saan na pumunta si Monyo. Gusto kong mag-sorry sa kaniya dahil nasira ang gabi niya dahil sa Red Roses na mga yon. Mga party crasher talaga. Mga panira.

Hinanap ko si Monyo sa parking lot at harap ng gym ngunit hindi ko talaga siya mahanap. Napag-isipan ko na pumunta sa likod dahil baka nandoon siya. Umaasa.

Habang patungo sa likod ay may nakasalubong ako. Nakasalubong ko na naman ang lalakeng nakamaskara ni Michael Myers. May mga bahid na ng pula na parang dugo ang damit at maskara niya kaya mas lalo pa siyang naging katakot-takot. Alam kong kasama sa costume niya lang ito kaya hindi na ako nagpadala sa takot ko. Lumapit ako sa kaniya at nagtanong.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon