CHAPTER 16

2.3K 204 35
                                    


Chapter 16: BADTRIP!

TAISSA

Sinipag akong maglakad ngayong araw kaya nilakad ko na lang papuntang eskwelahan. Malapit lang naman ang eskwelahan at tsaka first day pa lang. Sa mga susunod na araw ay tatamarin na ako sigurado. Sa opinyon ko lang ay lahat naman yata ng estudyante ay ganyan. Masipag lang sa una.

Tulad nang sa notebooks natin. Kapag mga unang linggo palang ay ang sipag-sipag magsulat. Ni ayaw malukot ng konti. Tapos ang ganda pa nang sulat kamay. Tignan nyo mga last quarter na ay palihis na ang sulat at halos di na mabasa. Tapos yung likod na part ng notebook ay puno ng sulat at drawings. May nakalagay pa nga nga F.L.A.M.E.S, P.A.N.T.S. At SOS o pwede ding POP, MOM, bahala ka na, basta parehas ang una at huling letra. Huwag lang TIT kasi ang sagwa naman. Agree kayo diba?

Agree?

Sagot!!!

Biro lang. Haha.

Napadaan ako sa bahay nila ni Maricel. Nakita ko ang Papa nya na si Mang Thomas na inaayos ang kanilang garden. Kasalukuyang nagtitrim ito ng halamang bonsai na ang dabong na sa kanilang bakuran. Ang lungkot ng mukha niya habang ginagawa ito. Balita ko ay siya na lang ang malakas sa pamilya nila. Simula kasi nang mawala si Maricel ay unti-unti na ring nagkasakit at nanghina ang asawa niya na si Aling Vicky. Ang lungkot ng nangyari sa kanila. Kaisa-isa pa naman nilang anak si Maricel at retired na silang pareho. Nasa Mindanao ang mga kapamilya nila kaya wala talaga silang makakasama dito. Nagpasya akong batiin si Mang Thomas.

"Magandang umaga po Mang Thomas!" Bati ko sabay wave ng kanang kamay ko.

"Magandang umaga din hija." Bati nya rin sa akin. Parang hindi nya yata ako namukhaan kaya tinitigan nya ako ng maigi.

"Ikaw pala iyan Taissa." Sa wakas ay nakilala nya na ako.

"Opo ako nga po! Ang pinakamagandang kaibigan ni Maricel." Huli ko nang naisip na nabanggit ko pala ang pangalan ni Maricel. Biglang nalungkot tuloy ang mukha ni Mang Thomas. Napangiwi na lang ako. Ano bayan?

"Ah oo nga, sige itutuloy ko na tong ginagawa ko." Sabi nya at bumalik na sya sa pagtitrim. May kakaiba sa sagot niya.

Hindi na ako nagpaalam kay Mang Thomas at nagpatuloy muli sa paglakad. Hanggang ngayon siguro ay hindi pa nila matanggap na hindi pa nahahanap si Maricel. Parents' love talaga. Sabi kasi ng mga pulis ay wala ng pag-asa para mahanap si Maricel at kung mahahanap man daw siya ay siguradong bangkay nalang. Ang saklap isipin.

Habang busy ako sa mga iniisip ko ay may bumusina ng napakalakas. Kaya nagulat ako ng sobra.

"AY PALAKA!" Sigaw ko. Nabuhay mga ugat ko sa gulat.

Galing ang busina sa isang lalaking nakaitim na Ducati Motorcycle. Yayamanin! Ducati ang motor eh. Ang hot nang ganitong klaseng motor. Mayaman lang ang nakakabili ng ganito. At mga gwapo ang kadalasang nakikita kong nagdadrive nito.

Balik sa nangyari. Ang bastos ng lalaking to. Nasa gilid na nga ko ng kalsada bubusina pa ng napakalakas. May ari ng kalsada kuya?

Dahil sa inis ko ay binato ko siya ng bag ko. Agad naman siyang napahinto at tumingin sa akin. Magsasalita pa sana siya pero naunahan ko siya.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now