64. AGENDA

899 106 47
                                    


EWAN

"That's what Em is doing lately." turo ni Prima sa CCTV footage ni Lady Em.

Makikita sa footage na may kinikidnap si Em na mga tao. Hindi lang basta tao kung hindi mga tao na sa palagay ko ay infected. Pwersahan niya itong sinasakay sa itim na Van. Matangkad at malakas si Lady Em kaya mabilis niya lang nagagawa ito. Ang ipinagtataka ko lang ay para sa ano itong ginagawa niya.

"Nararamdaman ko na mapanganib itong ginagawa niya." napahawak sa noo si Prima na senyales na sumasakit ito.

Kaming dalawa lang ni Prima ang nandidito sa office niya. Nag-iingat si Prima na baka may mga kakampi pa si Lady Em dito sa loob ng organisasyon na tumutulong sa kaniya kaya minabuti niya na ako lang muna ang makakita ng footage ni Lady Em.

"Don't worry Lika, we will find her sooner at tsaka hindi naman siya basta-basta makakalabas ng Hacienda Señeres dahil ideniklara na ito bilang Red Zone." ani ko.

Matalino talaga si Prima. Siya kasi ang nakaisip ng bagay na ito. Right after na maganap ang outbreak ay nakipag-meeting si Prima sa Presidente ng bansa at ni-suggest niya ang pagdedeclare ng Red Zone. Sa pamamagitan nito ay hindi maikakalat sa ibang parte ng bansa ang virus. Makakatulong din ito para hindi makalabas si Lady Em sa Hacienda. Isang lagusan lang ang pwedeng labasan at ito ang Main Gate ng Hacienda. Naglagay na rin ang Slayers ng camera doon na magmo-monitor sa mga lalabas.  Siguradong made-detect nito si Lady Em kung sakali.

"She's still dangerous Ewan. We can't let her kill innocent people." nag-aalala pa din ang tono ng pananalita niya.

Kahit matapang si Prima ay may malambot pa rin itong puso. Lagi niyang iniisip ang mga inosente na mapapahamak dahil sa kaniyang maling desisyon. Alam kong nagi-guilty na siya sa mga nangyayari. Siya ang Prima at siguradong siya ang papasan ng lahat ng nangyayari at mangyayari pa sa Hacienda Señeres.

"I won't." tugon ko.

"It will be hard Ewan. Alam natin na magaling si Em sa weaponry, and that people will definitely be one of her weapons." turo niya sa screen - sa mga taong kinikidnap ni Em.

Hindi ko hahayaan na magtagumpay si Em sa kung anong binabalak niya. Sa lahat ng tao na kilala ko ay si Em pa lang ang kilala kong sobrang galing magplano. Magaling siyang maglagay ng trap at humawak ng kahit na anong weapon. Kaya ganito na lang ang pangamba ni Prima tungkol sa kaniya.

Umupo si Prima at pinisil-pisil ang noo niya. She's having a great headache so she needs to rest.

"Huwag ka nang sumama sa akin mamaya." ang tinutukoy ko ay ang pagpunta sa lugar na tinext ni C.

Kanina habang nag-uusap kami ay nabanggit ko na sa kaniya si C. Sabi niya ay maaaring makatulong ang ibibigay na impormasyon ni C. Nagpresentar na din siyang sumama. Sana hindi mapanganib itong si C.

"Sasama ako, gusto kong makita kung sino si C." insister niya.

"Magpahinga ka na lang Lika. You'll be no good if you get ill." payo ko.

"Baka si Em si C Ewan? Kapag nagkataon ay wala kang laban sa kaniya. She's more skilled than you." aniya.

"She may have the skills but I have this," turo ko sa utak ko. "and this." at sa puso ko. Napangiti ko si Prima Lika.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon