CHAPTER 9

2.6K 241 50
                                    


Chapter 9: USOK FALLS

FLEX

Ang ganda talaga! Lumapit kami sa falls. Ito na ata ang sikat na Usok Falls. Mas maganda ito sa malapitan. Ang ganda tingnan ang agos ng tubig sa Falls. Kulay green ang tubig ng dahil sa reflection ng mga puno at halaman sa paligid. Kita rin ang ilalim ng Spring nito. Ang linaw!

"Swimming tayo?" Tanong ni Ezra na excited ng maligo.

Hindi na nito hinintay ang aming reply kung maliligo ba kami. Pumunta na ito sa may malapit sa spring. Inilapag nya ang gamit nya, naghubad ng damit at nagshorts sabay talon sa tubig. Plok!

Nagulat naman ako dahil hindi nya muna chi-neck kung safe bang maligo rito. Pumwesto naman kami doon sa pinaglagyan ni Ezra ng mga gamit nya. Binaba na rin ako ni Armie galing sa likod nya.

"Thank you ha." Nginitian ko sya.

"You're always welcome Flex." Tugon nya. Hindi man lang ata sya napagod sa pagbuhat sakin. Ang liit ko kaya para sa kanya. Ang tigas pa ng katawan nya. Macho! Ess.

"Hoy hali na kayo! talon na!" Sigaw ni Ezra habang enjoy na enjoy sa paglangoy.

Habang lumalangoy ito ay bigla syang huminto. Palinga-linga sya sa paligid ng spring ng parang may hinahanap na kung ano. May nakapa yata sya sa ilalim ng tubig. Bigla syang lumubog sa ilalim na parang may humatak sa kanya. Ni-nerbyos naman kaming lahat sa nangyari.

"Ezra!!!" Labis na pag-aalala ni Jessa kaya lumapit ito sa may gilid ng spring at hinanap siya sa ilalim ng tubig.

Bumulwak ang tubig sa harapan ni Jessa. May naghatak sa kanya papunta sa ilalim ng tubig. Dali-dali naman kaming pumunta sa pinagpwestuhan nya.

Ano yon?

"B W I S I T  K A !!!" Sigaw ni Jessa ng makaahon ito sa tubig. Salamat at ok sya. Si Ezra naman ay sumulpot sa may gitna ng spring. Tawang-tawa ito sa ginawa nya. Biniro nya lang pala kami.

"Sorry Hon!" Sigaw nya kay Jessa na nainis sa kanya.

"Sorry mo mukha mo!" Galit na sigaw ni Jessa. Hindi naman kasi nakakatawa.

Ito naman kasing si Ezra eh. Ang lakas mangtrip. Maha-heart attack naman yata kami sa ginawa nya.

"Jes ok ka lang?" Tanong ni Nema sa kanya sabay abot ng pamunas.

Tumango lang si Jessa. Umubo-ubo ito, nakainom yata sya ng tubig. Nanginginig sya dahil sa lamig ng tubig sa spring. Kahit alas 8 na ay malamig talaga ang tubig dito.

"Abnormal talaga tong si Ezra! Nabasa tuloy yung Tracker at Camera ko." Naiiritang sabi niya. Hindi nya na kasi natanggal ang mga ito ng hatakin sya ni Ezra. Lumapit sa kanya si Armie at chi-neck ang mga ito.

"Sakin muna ito Jes. Aayusin ko lang." Mahinang sabi ni Armie.

Hindi na nakatiis sina David at Nema na tumalon sa spring. Naka-two-piece lang si Nema at keri nya naman ito. Bumalik na rin si Jessa sa tubig. Nakarecover na sya sa pangtitrip ng magaling nyang boyfriend. Sinisermonan nya si Ezra pero tinatawanan lang sya nito. Ang saya nilang panuorin habang lumalangoy at nagkukulitan sa tubig.

"Ano manunuod ka na lang dyan?" Tanong ni Armie sa akin.

"Tara ligo din tayo?" Naghubad na siya ng damit at nagboxer shorts na lang ito.

WOW!!!

Napalunok na lang ako ng makita ko ang abs nya. Wow! Ang hot niya. Not surprising na maganda ang katawan nya. May mini Gym eh! Namumula na sigurado ang ilong ko. Hanggang titig na lang talaga ako. Hayz.

Napansin nya yata na kanina pa ako nakatingin sa abs nya kaya tumawa ito. Napailing na lang ko sa kanya. Kakahiya. Ess. Ang gwapo nya talaga. Hayz. Tama na ang pagpapacute please!!!

"Ano tara?!" Sabay talon nya sa may spring.

Nainggit ako sa kanila kaya nagbihis na rin ako ng pangswimming. Nagshorts lang ako at nagsando ng puti. Napatingin muna ako sa mga punong kahoy, para kasing may nakita ako. Or baka paranoid lang. Ess.

Baka hayop gubat lang.

Tumalon na din ako sa spring. Lumangoy ako papunta sa kanila. Hindi ako takot kasi marunong naman akong lumangoy. At seriously. ANG LAMIG NG TUBIG!!!

"Akala namin magiging KJ ka na naman." Sambit ni Jessa sa akin.

"Nakakainggit kasi kayo." Sabi ko sabay tapik sa tubig papunta sa mukha ni Jessa. Tumawa ito at ginaya ang ginawa ko. Nag-aalala ako baka ang kapalit ng sayang nararamdaman namin ngayon ay grabeng kalungkutan mamaya.

****

Hindi ko na nakaya ang sobrang lamig kaya una akong umahon. Para kasing nag-ice-bucket challenge ka sa lamig. Grabe naman ang tolerance nila sa lamig. At pumwesto pa talaga sila sa binabagsakan ng tubig ng falls.

Kumuha ako ng pamunas. Nagpainit muna ako sa sikat ng araw. Mag-aalas 10 na at ang lamig pa rin dito.

Kinuha ko ang bag ko at binuksan ito para kumuha ng pamalit at underwear. Nagulat ako sa nakuha ko galing sa bag.

Hala! Ba't ang laki ng nadala kong panty? At bakit kulay blue? Wala naman akong blue na panty?

"Malaki ba ang brief ko?" Tanong ng pamilyar na boses sa likod ko. Si Armie.

Nakana na!!! Maling bag ang nabuksan ko. Bakit kasi kailangang parehas ang bags na dala namin? Sa sobrang gulat ko ay nailagay ko pa ang brief nya sa mukha ko.

"Flex bakit mo inaamoy yang brief ni Armie?" Hahahaha. Malakas na tawa ni Nema.

Nakakahiya na talaga ng SOWBRA!!! Ess

"Mabango ba?" Pang-aasar ni Jessa. Tumawa silang lahat ng malakas except kay Armie.

Hindi na ko nakalingon kay Armie sa sobrang hiya. Bakit sa lahat ng bag kay Armie pa? At ang tanga tanga ko na ilagay sa mukha ko ang brief nya. TANGA! TANGA! TANGA MO FLEX. Ess!!

Inalis ko ang brief niya sa mukha ko at itinapon ko sa kanya. Dali dali naman akong umalis. Pumunta ako sa may bandang maraming puno at doon nagbihis.

Nakakahiya talaga!

Habang nagbibihis ako ay napasandal ako sa isang puno. May napansin ako sa puno at natakot kaagad ako ng sobra.

Bakit maraming malalaking kalmot ang puno?

Kalmot ng anong nilalang ito?

G U Y S ! ! !

~~~~

This chapter contains violence. Strong parental guidance is advised.

•Follow me
•Recommend
•Comment
•Vote a ⭐️

Thank you 😘

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now