31. CORNERED

1.3K 118 27
                                    


FLEX

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Bakit wala na ang picture dito? May mga bakas pa ng kalmot na makikita sa dingding. Anong ginawa ni Monyo? Dahil ba ito sa nangyaring pagpasok ko sa kwarto niya ng walang paalam kaya napilitan siyang tanggalin ang picture.? Ano ba ang nakalagay doon?

Ano ang tinatago niya?

Bumalik na lang ako sa kwarto ko at baka maabutan pa ako ni Monyo. Pagkahiga ko ay dinalaw kaagad ako ng antok.

****

Kinaumagahan ay maagap akong nagising. Pagkalabas ko ng kwarto ay tumungo kaagad ako sa kusina. Kadalasan na dito ko naaabutan si Monyo sa tuwing gigising ako ngunit ngayong umaga ay wala siya. Anong nangyari sa kanya? Hindi ko siya namalayang dumating kagabi. Bakit hindi pa siya bumabalik?

Isang mahinang katok ang narinig ko. Nanggagaling ito sa may pintuan. Lumapit ako sa bintana sa may gilid ng pintuan para tignan kung sino ang kumakatok. At first, I didn't see him. There is a trail of blood leading to the door and he is lying beside it. Monyo. Napatakbo ako sa pintuan at binuksan ito.

"Monyo!" Sigaw ko.

Sinuri ko ang pinanggagalingan ng dugo. Malakas ang tagas nito na nanggagaling sa kaniya. May tama siya ng bala sa may bandang tiyan. Sa pagkakaalam ko ay hindi siya tinatablan ng bala. Sa pagkakaalala ko, noong nasa Mount Usok kami ay hindi siya masugat-sugatan kahit grabe na ang pagpapaputok namin sa kanya. He seemed invincible that time. Why is keeping on changing and changing?

Sinubukan ko siyang buhatin para ipasok sa Mansion. Kailangan ko na siyang gamutin para hindi na lumala ang kalagayan niya. His weight is not a joke. Ang bigat niya! Paano na ito? Sinubukan ko siyang kausapin.

"Monyo? Bubuhatin kita." sabi ko habang hawak ang mga braso niya upang ilagay sa balikat ko.

Umungol siya ngunit walang salita na lumabas sa bibig niya. Ganito siya kagrabe.

"Para mabuhat kita ay kailangan mo akong tulungan, kailangan mong magpagaan." utos ko sa kaniya.

Nakuha naman niya ang utos ko dahil bigla siyang gumaan. Pinilit niyang inilakad ang mga paa niya. Pumasok na kami at pinahiga ko siya sa kama ko. Masyadong mahirap na dalhin ko pa siya sa kwarto niya na naroon sa may taas.

Malakas pa rin ang pagtagas ng dugo sa sugat niya. Tinanggal ko ang punda ng unan at inilagay ito sa sugat niya. I put pressure on it.

May isang ideya ang pumasok sa isipan ko.

Mahina si Monyo. Wala siyang kakayahan na pigilan ako kung umalis man ako ngayon. This the right opportunity to flee. Makakaalis na rin ako sa wakas.

Ngunit paano si Monyo? Malala ang kalagayan niya. Hindi ko siya pwedeng iwan na ganito ang kanyang sitwasyon. Mamamatay siya kapag hindi ko siya ginamot.

Ano ang pipiliin ko?

Kalayaan ko o si Monyo?

*****

MONYO

Pagkatapos naming kumain ni Flex sa may bubong ay pumaroon ako sa aparador ng kusina. Sinuri ko kung may kakainin pa kaming dalawa bukas. Pagkakita ko sa loob nito ay bumungad sa akin ang blankong espasyo. Ang katotohanang wala na kaming kakainin ang nagpapaalala sa akin. Kapag wala ng pagkain ay siguradong mapapabilis ang pag-alis ni Flex. Iiwan na niya ako kapag nangyari iyon.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon