44. MONSTER PARTY (p.4)

1K 104 45
                                    


JOAN

"Excuse muna ako!" paalam ko kina Shaina at Emery.

Tutok sila kay Taissa na nasa taas ng stage. Mukhang iiyak na ang kaibigan ko dahil in-injan siya ni Henry. Kakanta na lang yata siya ng mag-isa.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Shaina.

"Punta muna ako ng banyo." tugon ko.

"Mamaya na! Suportahan muna natin si Taissa. Kawawa ang kaibigan natin oh." turo ni Shaina kay Taissa sa stage.

"Mukhang hindi ko na maipapagmamaya pa ito." nakangiwi kong sabi.

"Bakit?"

"Parang may tumagas yata sa ibaba," turo ko sa legs ko.

"Dinatnan ka?" ang lakas ng pagkasabi ni Shaina. Narinig tuloy ng lalakeng katabi namin kaya ngumisi ito.

"Oo, kaya kailangan ko na talagang magbanyo." sabi ko.

"May dala ka bang napkin?" aniya, ang dami niyang kuda.

"Oo Sha, alis na ako. Kayo na bahala kay Taissa." paalam ko at saka nakipagsisikan sa mga tao para makapunta lang ng C.R.

Nakakabadtrip na ngayon pa dumating ang regla ko. Kung hindi lang nakakadiri ay hinayaan ko na lang itong tumagas diyan. Para naman sumakto sa outfit ko na isang duguan na zombie. Realistic ba.

"Hija! Teka lang!" hinarang ako ni Manong Janitor bago pa ako makapasok sa C.R.

"Bakit po Manong?"

"Nako baka madulas at mabasa ka sa loob." turo niya sa C.R. "May lokong nagsira ng tubo ng tubig kaya naglawa na ang loob ng C.R." paliwanag niya.

Sira-ulo ang kung sino man gumawa nito. Panira ng gabi sa mga taong nawiwiwi ang ginawa niya.

"Ganoon po ba? Ahh, meron pa po bang ibang C.R. dito?" tanong ko kay Manong.

"Oo Hija, nasa likod ng Gym," turo ni Manong sa direksiyong likod. "Napagsabihan ko na rin ang mga bantay sa entrance kaya papayagan nila kayong lumabas upang magC.R."

"Salamat po." ani ko at bumalik sa loob.

Wala naman kasing labasan dito sa likod kaya dumaan ako muli sa may gitna ng gym at nakipagsiksikan na naman.

"May Minus One ka ba?" narinig ko ang tanong ni Cormac kay Taissa.

Napalingon ako at tumingin ng saglit kay Taissa. Kawawa naman ang kaibigan ko. Parang hindi siya makasagot sa tanong ni Cormac.

Nagpatuloy ako sa pagtungo sa pintuan para makabalik ako kaagad.

"Miss pwede ba akong lumabas? Magbabanyo lang ako." paalam ko sa babaeng SSG Officer.

"Uy! Magbabanyo daw ito." tinawag niya ang kasama niya.

"Sige palabasin mo, hindi naman sila makakaalis dahil pinasarado na ang gate ng school." tugon ng kasama niya.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon