"Lady Em is dangerous. With her gadgets and technology, you don't have a chance." mahinahon ang pagsasalita niya.

"This is my war, Henry. Ayokong madamay ka pa dito. Nadamay na si Armie at ayoko ng mawalan ng isa pang kapatid." I squeezed his shoulders and then put my bag and shotgun behind my back.

"Same with me. I don't wanna lose a brother, again. I don't want to lose you. Your war is my war, Rylee."

Wala akong magagawa. Kahit hindi ko siya isama ay gagawa pa rin siya ng ibang paraan. Kargo ko siya and I am the one to blame if something happens to him.

"Okay! Suit yourself, we need to go now." utos ko. Nagmadali siya at kinuha rin ang kaniyang baril.

***

Iniwan namin ang kotse sa gilid ng kalsada. Hindi ito kayang makapasok sa daan kaya naisip na lang naming iwan ito. We walked silently para hindi makatimbre si Lady Em na malapit na kami. We need to arrive unsighted.

Habang naglalakad ay may mga kaluskos kaming narinig. Pinatigil ko si Henry sa paglalakad at inutusang magtago habang ako naman ay pinuntahan ang pinanggagalingan ng kaluskos. Nang makita ko na kung sino ang mga ito ay bigla kong in-activate ang invisibility talent ko. Right, I have this talent kaya lagi akong nakakatakas sa bingit ng kapahamakan.

Sa porma nila ay masasabi ko na Slayers sila, different types of slayers nga lang. Imbes na red ay black ang suot nila. Binilang ko sila, limang lalakeng nakaitim at isang babae na nakadilaw.

"Ewan! I think this is the way." turo ng isang nakablack sa daan kung saan ako mismo nakatayo.

Lumitaw si Ewan sa likuran nila. So naririto rin pala si siya. Nakakapagtaka. I decided to deactivate my invisibility. Laking gulat nila nang lumitaw ako bigla sa harapan nila. Nakatutok ang lahat nilang armas sa akin.

"Rylee? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ewan n'ung ma-recognize niya ako.

"I'm here to save Flex." lumapit ako sa kanila. Itinaas pa lalo ng mga kasama niya ang mga armas nila.

"Lower your weapons, Knights." utos niya sa mga kasama. Sila pala ang sikat na Dark Knights. Humarap siyang muli sa akin. "Anong nangyari kay Flex?" tanong niya. I can see confusion in Ewan's face while mentioning the name of Flex.

"Hawak siya ni Lady Em and she is in great danger." sabi ko. Nag-iba ang reaksyon ng babae na nasa likuran ni Ewan.

"We are here for Lady Em. She contacted us, kailangan daw niya kaming kausapin. We didn't know na hawak niya si Flex." Ewan explained.

"May binabalak siya sa ating lahat kaya pinapunta niya tayo dito." nagsalita na ang babaeng nakadilaw.

"That's what I'm thinking, hindi coincidence ang lahat ng ito." dagdag ko.

Tumingin si Ewan sa babae na tila hinihingian ito ng suhestiyon. Napaisip ang babae ng saglit at tsaka nagsalita. "Danger is what I think." sabi niya.

"Tutuloy pa ba tayo, Prima?" tanong ng Knight na nasa gilid ni Ewan. So ang babae pala na ito ay ang one and only prominent Prima.

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon