"Is it possible to create a cure before monday?" ani Ewan. "Hanggang monday na lang at isasara na ang Hacienda Señeres." dugtong niya.

"We need to have faith." sagot ni Henry.

Wala ng nagawa si Ewan kung hindi ang pabayaan kami. Magkaaway sila ni Rylee ngunit magkakampi kami sa pagtuklas ng cure. Hinayaan niya na lang kami na umalis at bumalik sa bahay ng mga Loreto.

***

Maghahating gabi na kami dumating. Walang sumalubong sa amin pagkarating namin sa bahay ng mga Loreto. Wala ni isang tao. Wala si Mama at si Stephen. Napakatahimik ng paligid.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Henry. Walang malay pa rin si Monyo.

"I think this is the outcome of what Cormac did." tanging sagot ni Henry.

Labis akong nag-alala. Anong nangyari kina Mama at Stephen? Maaari kaya na nakaalis na sila sa Hacienda Señeres?

"Paano natin malalaman kung anong nangyari sa kanila?" nag-aalala kong ani.

"Let's clean Rylee's wound first before we find out what happened to them, Okay?" tugon ni Henry.

"Okay." sagot ko.

Dinala namin si Rylee sa kwarto kung saan ako ni-confine noong nakaraan. After that, Henry started the operation. Tinanggal niya ang bala na bumaon sa tiyan ng kapatid niya. Pagkatapos ay nilinis niya kaagad ang sugat. After that wala na siyang ginawa pa kaya nagtaka ako.

"Hindi mo tatahiin ang sugat?" pagtataka ko.

"I already cleaned the wound. No need to stitch it coz it can heal on its own. Halimaw si Rylee, remember?" pagpapaalala ni Henry. Hindi na ako sumagot. Yeah I know. "Let's go!" dugtong niya nong hindi ako umimik.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"We need to find out what happened to your family." sagot niya.

Henry guided me to the living room. Iniwan niya ako ng saglit at nong bumalik siya ay may dala na siya na laptop.

"What's that for?" tanong ko.

"May CCTV cameras ang lahat ng sulok ng bahay and those are connected here — in my laptop." he explained.

Hindi na ako nagsalita at pinanood na lang siya sa ginagawa niya. Hinahanap niya yung footage ngayong araw. It took half an hour for him to find it.

"Got it!" sigaw niya.

Pinanood namin ang footage na may dumating na babae sa bahay. Ni-zoom in namin ang footage sa gate. Nagulat kami nang ma-realized na si Taissa ang babae. Nag-doorbell si Taissa kaya lumabas si Mama para tingnan ito, wala kasing katulong dahil umalis na. Napangiti si Mama nang makita si Taissa. I can see that Taissa was worried. Nabuhayan lang siya noong makita si Mama.

"Mrs. Cecilio?" laking-gulat ni Taissa. Hindi niya kasi alam nanadito kami kina Henry.

"Taissa? Pasok ka!" pagpapatuloy ni Mama sa kaniya.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now