Flying away from Slayers and flying away from death.

***

Pinagpaghinga ko muna si Monyo dahil naubos kanina ang natitira niyang lakas sa paglipad. Kailangan ko ng malinis ang mga sugat niya bago pa ito maimpeksiyon. Kaya pagkarating namin sa Mansion ay mabilis akong kumuha ng panggatong na kahoy at nag-igib ng tubig sa batis. Napakalamig ng paligid kaya habang naglalakad ako galing batis ay ramdam ko na nanginginig ako ng sobra. Nangangatal na din ang mga ngipin ko dahil dito.

Ipinatog ko ang balde ng tubig sa kusina habang hinahanap ko kung nasaan ang kaldero na iinitan ko. Habang naghahanap ako ay may nag-vibrate sa bulsa. Hindi ko na napansin na nasa bulsa ko pala ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tumatawag. Si Mama ang tumatawag.

"Hello Ma?" I'm trying my best to sound normal. Sa kabilang linya ay rinig ko ang ginagawa. Parang may kinakayat siya. I think she is cutting something para sa niluluto niya.

"Flex, gabi na, nasaan kana?" mataray na tono niya. Ayaw ni Mama na basta-basta hindi nagsasabi na gagabihin ako. Kailangan kong mag-isip ng acceptable reason kung bakit hindi pa ako umuuwi.

"Ma, kasi may urgent project making kami sa bahay ni Hanne. I lost track of time kaya mukhang hindi na ako makakauwi. Ang hirap kasi magbantay ng tricycle dito sa kanila. Kanina pa ako nagbabantay dito." mahabang paliwanag ko. I wish Mama is hook with my alibis.

"Okay, basta huwag mo na uulitin iyan Flex." yes! Hindi niya nahalata na nagsisinungaling ako. Nagi-guilty na naman ako. Dumadalas ko na kasi itong ginagawa kay Mama.

Pagkababa ko ng tawag ay agad kong tinawagan si Hanne. I need to make sure na hindi mabubuliyaso ang naging rason ko.

She picks the call after three rings. "Yes my dear Flex." bungad niya. May part sa isip ko na nag-aalangan. Baka pati si Hanne traydor din. Ang hirap na magtiwala. "Am I talking to dead air?" sabi niya kaya napawi ako sa iniisip ko.

"Oh, Hanne. I need a favor. Baka kasi tumawag si Mama sayo." mahinang sabi ko.

"So anong kinalaman ko sa Mama mo?" tanong niya.

"I made you my alibi. Hindi pa kasi ako umuuwi kaya sinabi ko na may project making tayo sa bahay niyo. Baka tumawag siya kaya i-backup mo naman ako." nakangiwi ako habang sinasabi ito. Naka-half smile ako na parang makikita ito ni Hanne.

"Not very you Flex, ah," tugon niya. "Ni minsan di ka naging ganiyan, niyare?" usisa niya.

"Boy matter." I said.

"Whoah? Boyfriend matter? Kailan pa iyan Flex?" sunod-sunod na tanong niya.

"Iba ang iniisip mo. I'm just helping a friend." ani ko.

"Helping with what? Nako Flex mag-ingat ka ah? Baka kung sinu-sino lang iyang ka-fling mo? Baka makakuha ka ng disease diyan o di kaya mabuntis ka?" she is exaggerating everything.

Buntis agad?

"Oh please stop! You're gross! Basta kapag tumawag si Mama sabihin mo yung sinabi ko. Okay?" I stop her hyperbolic thoughts.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now