45. MONSTER PARTY (p.5)

Start from the beginning
                                    

Ngumiti si Monyo which is very cute. Ang sarap niyang kurutin sa pisngi dahil sa pagkacute. No one knows that Monyo can kill anyone with just his bare hands. Hindi nila alam na siya ang pumatay sa mga kaibigan ko. Hindi nila alam na tanggap ko. The world is really weird.

"Hala! Parang teddy bear!" amuse na amuse si Cormac sa kaniya.

"Haha!" I suddenly laugh. Wala lang natawa lang ako.

"Parang ayaw niyang magsalita kaya dumako na lang tayo sa laro!" ani Cormac at tsaka pinaliwanag ang mechanics ng paper dance.

All the pairs will have one sheet of manila paper. Everytime na hihinto ang music ay papasok kami sa loob ng manila paper kapag hindi kami nagkasya ay out na. Pagkatapos ng kada hinto sa loob ng paper ay itutupi ito ito half hanggang sa lumiit ng lumiit. Just a typical paper dance.

"I want to add a twist in this game! Dapat lahat ng poses niyo ay sweet! Ang hindi sweet ang pose ay tanggal na sa laro kahit na kumasya pa kayo sa loob ng manila paper! Game?!" pakulo ni Cormac talaga.

"Game." my doubting answer.

The music starts to play. On the floor ni Jennifer Lopez ang unang kanta.

"Sayaw! Dapat sumasayaw!" sigaw ni Cormac.

Parang tood si Monyo kaya kinuha ko ang mga kamay niya at shinake-shake. Pinilit ko siyang sumayaw at hindi naglaon ay sumayaw na din siya. Ess!!! Cute overload! Ang cute ni Monyo'ng sumayaw.

"Hahaha!!!" natatawa ako sa kaniya. Tumatawa din ang mga tao, hindi lang dahil sa amin kundi pati na rin sa ibang kasali. Nakakatawa din kasi ang mga pinaggagawa nila.

The music stops.

Hinila ako ni Monyo papunta sa kaniya kaya napahawak ako ng mahigpit sa katawan niya. We are in hugging position which turned out very sweet. Ang tenga ko ay direktang nagpapahinga sa dibdib niya kaya rinig ko ang tibok ng kaniyang puso.

"Fold it into half na!" panira moment si Cormac.

May natanggal na na dalawa kaya tatlong pairs na lang ang natitira.

Tumugtog ang Sofia Dance by Alvaro Soler. Paborito ko ito! I like the beating of this song. Nakakagood vibes. Spanish ata ito. Gwapo pa ang kumanta nito eh. Ess.

🎶Sueño cuando era pequeño,
Sin preocupacion en el corazon,
Sigo viendo aquel momento,
Se desvanecio, desaparecio 🎶

I don't know kung anong ibig sabihin niyan. Basta ang alam ko tungkol kay Sofia yan. Sino ba siya? Siya yata yung nawalan ng panty sa Guimaras. Haha. Ess! Ang importante masaya at nakakaindak. Ganon!

🎶Sofia!🎶

Huminto ang music at bigla akong binuhat ni Monyo. Yung buhat na parang bagong kasal lang. Ang gaan ko lang tignan kapag binubuhat niya. Lumipas ang ilang segundo at walang natanggal sa amin. Tinupi namin ulit ang manila paper. Mas maliit na ito ngayon at hindi na kami magkakasya ni Monyo.

Nagpatuloy ang Sofia dance so sumayaw kami ulit. Sayaw lang! Walang titigil! Pero tumigil ang music so ayon binuhat na naman ako ni Monyo. Ang epic ng pagkabuhat niya sa akin. Akala ko hindi niya na ako masasalo dahil sa sobrang taas ng pagbiglang-buhat niya. I ended up hugging his neck between my legs. Ang epic! Nakaharap ang tinapay ni Ko sa bunganga niya! Nanlaki na lang ang mata ko. Tumingin ako sa crowd at tawang-tawa sila sa naging posisyon namin. Nakakahiya. Namumula na sigurado ang ilong ko. Ang init nito eh.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now