44. MONSTER PARTY (p.4)

Start from the beginning
                                    

Tumungo na ako sa C.R.

Alas Otso na pala. Dalawang oras na ang lumipas ng magsimula ang Monster Party. May mga hiyawan na akong naririnig sa loob ng Gym.

Ano na kaya ang nangyayari ngayon kay Taissa?

Dahan-dahan ako sa paglakad, bitbit ko ang shoulder bag kong itim. Ito lang ang dinala ko para hindi na ako mabigatan. Tsaka iniwan na lang namin ang aming mga gamit sa bahay nila Shaina. Timing na nag-out of town mga magulang niya kaya doon kami matutulog. Sasamahan na rin namin siya hanggang sa kinabukasan.

Habang malapit na ako sa C.R. ay nakadama ako ng isang kutob. Nakakatakot naman kasing pumunta sa likod ng Gym. Ako lang mag-isa ang tao dito. Ang lahat ay nasa loob na dahil nanunuod na ng mga performance.

Pagkapasok ko ng C.R. ay napahawak ako sa dibdib ko. Pambihira wala akong nakapa! Flat nga pala ako. Dibale!

Grabe ang disenyo ng loob. May dugo-dugo. Hindi naman ito mabaho kaya halatang artipisyal na dugo lang ito. Pumasok ako sa isang cubicle at naglagay na ng napkin sa aking bloody mary. Shemay! Maragsa ang regla ko ngayon ah. Buti na lang may dala akong pantapal. Salamat sayo napkin.

Hindi na ako tumagal pa sa C.R. at naisipan ko na bumalik na kaagad sa loob. Bago pa ako makalayo sa C.R. ay napahinto muna ako dahil parang may narinig akong boses. Pagkahinto ko ay wala naman. Baka guni-guni ko lang.

"Tulong." may narinig ako.

Hindi na ito guni-guni. May naririnig talaga ako. Ang boses ay nanggagaling doon banda sa may mga puno malapit sa C.R.

"Tulong." narinig kong muli ang mahinang boses. Mas malakas pa ang hiyawan sa loob ng gym.

Inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight nito. Tumungo ako sa direksiyon ng mga puno. Sa marahan kong paglakad ay doon ko na nasilayan ang isang tao na nakahandusay sa lupa. Mabilis akong lumapit sa kaniya dahil mukhang kailangan na niya ng agarang tulong.

Nakasuot ang lalake ng isang maskara. Nakakatakot naman ito. Palinga-linga ako sa ibang direksyon dahil baka may dumaang ibang tao na pwedeng tumulong sa lalakeng nakahandusay. Wala talagang ibang tao dito kundi ako lang.

Noong inilipat ko pabalik ang tingin ko sa lalakeng nakahandusay ay napasigaw ako sa gulat. Nakaupo na kasi siya ngayon at direktang nakatitig sa akin.

*****

TAISSA

Matigas na dibdib ang bumunggo sa akin bago pa ako tuluyang makababa ng stage. Sumunod na naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ng mga kamay niya sa magkabilang braso ko. Iniangat ko ng bahagya ang mukha ko at nasilayan ko ang nagsusuyo niyang mga mata. Bigla umunat ang kaniyang mukha at humulma ang gwapo niyang ngiti. Hindi ko magawang tumawa o ngumiti man lang dahil sa galit pa rin ako sa kaniya.

"Huwag ka nang umiyak, nandito na ako." sabi niya habang pinupunasan ang aking mga luha. Ang guwapo pa rin niya kahit naka-Joker make-up and costume siya.

"Ladies and gentlemen! Let's welcome Henry Loreto!" introduksiyon ni Cormac na nagpaingay at nagpahiyaw sa lahat.

"Mamaya na ako magpapaliwanag sayo, kumanta muna tayo." sabi niya at hinila ako pabalik sa gitna ng stage. Lumulundag-lundag ang gitara na nakasabit pala sa likod niya.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now