Ikalabingpito

6.3K 160 26
                                    

"Kung handa kang manatili dito hanggang sa dulo, hindi ko ipagkakait na pagtagpuin ang landas ninyong dalawa."



Urg!


Mababaliw ako sa kakaisip.


Hindi rin ako makatulog.



AT LALONG HINDI KO ALAM KUNG ANO'NG ORAS NA DAHIL WALA NAMANG MGA ORASAN..


Waaaaaaaaaaaa. Sumpa itong panahon na to!



Bumangon nalang ako at nagbabakasakaling nasa baba si Belen. Kahit papano may makakausap ako.



Ngunit pababa pa lamang sa hagdan, wala akong nadatnan doon sa sala kundi ang mga nakasabit na lampara.



Dahan-dahan ko nalang na tinahak ang terasa at doon nagpahangin. May ilan rin akong nakitang mga gwardiya na naglalakad-lakad sa paligid at nakabantay.



Bigla ko tuloy naalala ang subdivision na tinitirahan namin. Kung hindi ako makatulog, tinitext ko si Lexie na bestfriend ko para lumabas. Chinicheche pa namin lagi ang security guard na nakabantay sa entrance para lang payagan kaming lumabas upang makapag-Turks o Jollibee.



At saka uuwi kami ng 3AM, nang hindi nagagawang gisingin ang kahit sino sa aming mga tahanan.


Parang kelan lang yun.


Ngayon...

eto ako, basang-basa sa ulan. De joke lang.



Sino'ng mag-aakala? Ang takas na katulad ko, napunta sa panahon na to. Okay lang naman sana eh.



Basta kasama ko lang ang nga taong mahalaga sa akin, ang mga taong naiwan ko sa year 2018. Kahit lagi akong tinutukso na tandang dalaga sa bahay, okay lang yon at least magkakasama kaming lahat at masaya.



Kahit yung mga kontrabida sa school na lagi kong nakakasagutan, na-miss ko na rin. Wala no'n dito, ang boring tuloy ng buhay ko.



Hindi ko namalayan, napapaluha na pala ako.


"Sinasabi ko na nga bang nandito ka, Binibini."


Kahit hindi ko na lingunin, alam kong sya yon. Si Eduardo.



"Bakit mo ba kasi ako laging sinusundan? Hindi ako tatakas- hindi pala makakatakas."


"Sinisiguro ko lang na maayos ka. Saka, hindi ka ba inaantok? Ilang oras nalang umaga na."



I did not respond. I did not even looked at him. That face.


I hate it.



"Ayan ka naman naman Binibini. Sinusungitan mo na naman ako."



Yeaaaah. Ang lakas ng loob kong mang-snob. Certified kontrabida kaya ako sa kapanahunan ko?



"Waaaaaa ipis!" Sumigaw ulit sya sa likuran ko. Sa sobrang takot, nagsimula akong magpanic.



"Waaaaaaaa Mama may ipiiiiis!" Halos humiwalay na ang aking kaluluwa sa sobrang kaba. I hate his face, but I hate cockroaches more.



"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA *ubo* HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA *ubo10000000×*" He started to laugh out loud that even the guards roaming around stopped and look at us.


"Ano'ng nakakatawa don?" Tanong ko with a maldita tone.



"Mukha kang kalabaw na dinapuan ng napakalaking langaw at pinipilit itong alisin sa katawan mo, Binibini. Nagbibiro lang naman ako. Walang ipis."



"Ahhh *insert sarcastic laugh* Nakakatawa pala yun?"


Tumango sya.



"Nakakatawa pala? Baka, ikaw yung magiging langaw kapag ginawa ko tong ninanais ko sa'yo." Dali-dali kong hinubad ang suot kong tsinelas at pinalo sa ulo nya.






"Sa susunod kasi, wag ko akong dapuan kung gusto mo pang makapatong sa ibabaw ng iba't ibang uri ng tae. Nagkakasundo ba tayo? Kundi patay ka talagang langaw ka."

A Twist In Time (EDITING)Där berättelser lever. Upptäck nu