Ikatlo

10.2K 308 62
                                    

Nakatayo kami ngayon ni Lola sa munting terasa na nakaharap sa karagatan. Kanina pa sya kwento ng kwento pero hindi ko pinagtutuunan ng pansin kasi wala namang koneksyon sa mana na ibibigay nya.

"Lola ano'ng oras ba tayo uuwi?" Pambubulabog ko sa mga satsat nya.


"Teka. May ibibigay ako sayo."



Omaygad! Tama ba ang narinig ko?


Nakita kong may dinukot sya mula sa suot niyang blusa.


"Bigay ito ng Lola Adriana ko noong kabataan ko. Ang bilin nya sa akin, ibibigay ko ito sa magiging panganay na babae kong apo. At ikaw yon, Adrea."



Isang kuwintas. Letter A ang pendant at tila gawa yon sa silver.


No choice. Pagtiyagaan ko na lang 'tong bigay ng Lola ko. Kahit konti lang ang perang makukuha ko kapag isinangla ko 'to, okay lang. Gipit lang talaga, paubos na ang make up set ko. Kailangan kong makabili ng bago.


"Magkano ang value nito sa pawnshop, La?" Tanong ko matapos makuha yon sa palad nya.


"Adrea! Hindi mo maaaring mawala yan. Napakahalaga ng kwintas na iyan, Iha."



"Mmmm. Siguro Lola... bigay 'to ng asawa ng Lola mo?"


Nakita kong ngumiti si Lola. Sus, tinatablan din pala ng kilig ang matatanda.


"Tama ka. Ibinigay yan sa Lola ko, pero hindi galing sa kanyang asawa."


"Omaygad Lola? Wag mong sabihin na kahit noong nasa tyempo ninyo, nauso na ang two timer?"


"Ganito kasi yon Iha. Ang kwento sa akin ng Lola ko, may lalaki syang nakilala at Eduardo ang kanyang pangalan. Nagtatrabaho sya sa hacienda natin, siya ang pagpapanatili ng kagandahan ng mga bulaklak."


"A-ang sunflower farm? Woah."


Tumango si Lola at pinagpatuloy ang ikinukuwento.



"Naging magkaibigan sila ni Eduardo. Lagi syang inaabutan ng mga bulaklak sa bintana tuwing umaga. Hanggang isang araw, nagtapat si Eduardo ng pag-ibig nya. 'Yon rin ang araw na ibinigay nya itong kuwintas. Nahulog na rin sa kanya ang Lola ko kaya nagkaroon sila ng relasyon, pero nanatiling lihim dahil ikakagalit 'yon ng mga magulang niya. Umibig siya sa mahirap at ikakasira iyon ng kanilang pangalan. Hanggang dumating ang araw na itakdang ikasal ang Lola ko sa isang lalaki na anak ng pinakamayamang negosyante sa bayan. At dahil mahal niya si Eduardo, tumakas sila ikatlong gabi bago ang kasal."



"Hala. Tapos? Ano'ng nangyari?"


"Nahuli sila ng ama ng lalaking ikakasal kay Lola Adriana. At pinaslang nito si Eduardo."



Shemay! I hate love stories pero bakit parang naiiyak ako?


"Kaya pala hindi si Eduardo ang naging asawa niya."



"Pero ang hindi nila alam..." Dagdag pa ni Lola na siyang nagpa-confuse sa'kin.


"Hindi namatay si Eduardo."


"A-ano? Talaga? Ano ang naging kapalaran ni Eduardo, Lola?"


"Labis siyang nasaktan nang ikasal na si Lola Adriana. Ngunit wala na siyang magawa kundi—


"Kundi ano po?"





"Ang maghintay."

A Twist In Time (EDITING)Onde histórias criam vida. Descubra agora