Ikadalawampu't Walo

5.2K 144 3
                                    

"WALANG KAHIT ANONG BAGAY  MULA SA PANAHONG ITO ANG MAAARI MONG DALHIN SA HINAHARAP."

. . . . .

Mula pa kanina eh ito lang talaga ang iniisip ko. Kahit pala lumandi pa ako sa libu-libong milyunaryo dito, useless naman kasi kahit singko wala akong maaaring dalhin sa present.

Pero......

BAKIT YUNG KWINTAS NADALA KO?

Saka......

SI EDUARDO?

Bakit napunta sya sa panahon ko?

Urgh! Ano ba kasi tong misteryong pinasok ko. Nakakastress na! Buti nalang nawala na yung pimple na tumubo sakin. Kung hindi pa talaga ay ewan ko na lang!

"Permission to enter." Gulat akong napatingin sa pintuan.

"I assumed, my english skills developed."

Isa pa to eh. Dagdag sakit sa ulo. Hindi na tuloy ako makakasagot-sagot dahil maiintindihan na nya! I just rolled my eyes.

"Di mo naman ikina-gwapo yan. Whatever."

"Umalis na nga pala sya."

Hindi man nya sabihin, alam ko na kung sino.

"Lam ko." Oo, alam ko talaga.

"Talaga lang ah?" Tinaasan nya ako ng kilay.

"Oo! Nakadungaw ako sa bintana kaya nakita ko ang pag-alis nya."

Napaupo sya sa kama.

"Nakikita nga nya talaga si Adriana sayo. Saka..... alam ko na tulad ni Adriana, magugustuhan ka rin nya." Hay naku Eduardo ang dami mong nalalaman.

"Sorry pero wala akong time sa mga ganyan. Marami akong mga lalaking ina-admire pero.... wala lang. Di ko feel."

Kumunot ang noo nya.

"A-ano ang ibig mong sabihin, Binibini?"

"Wow. Kanina parang galing na galing ka sa sarili mo dahil sa english skills mo tapos ngayon hindi mo ako naintindihan? Naglolokohan ba tayo?" Na hampas ko pa sya ng unan.

"Hindi naman sa ganun.. Ang ibig kong sabihin.... B-bakit wala kang nagugustuhan?" Wew chismoso.

"Meron akong gusto no! Kaso... hanggang mata ko lang. Hindi umaabot dito." Tinuro ko pa ang dibdib ko.

"Saka siguro kuntento na ako sa pagmamahal na pinapakita ng pamilya at mga kaibigan ko. Kaya..... yon! Hindi na ako naghahanap ng makakahigit pa."

"Wala nga talaga kayong pinagkaiba."

Yeah, alam ko na naman yan. Si Adriana.

"Iba ako sa kanya. Minahal mo sya. At minahal ka rin nya."

Binalot kami ng saglit na katahimikan.

"Alam mo, marami sana akong itatanong kaso..... tinatamad aking nag-isip ng nga itatanong ko." Matapos kong sabihin yon ay ako naman ang hinampas nya ng unan.

"Abnormal." He whispered. But it's loud enough para marinig ko.

"Mas ka." Oh, gantihan na.

Sabay kaming natawa sa mga sarili namin. Hays. Sana ganito na lang lagi. Sana hindi na ako aatakihin ng mood swing ko para naman maayos ang pakikitungo ko sa kanya.

"Oo nga pala. Nakita ko to kanina." Then may iniabot syang box na katamtaman lang ang laki.

"Buksan mo."

Binuksan ko nga. Saka lang tumambad sa harapan ko ang samu't saring kulay ng nga thread. Just..... wow.

"Para naman hindi ka malulungkot kahit mag-isa ka dito minsan. Maaari kang manahi o magburda ng kahit anong gusto mo."

Yes, HRM student ako pero mahilig din ako sa mga tahi-tahi at pagbuburda. Itinuro to kasi ni lola noong elementary pa lang ako.


"Maaari kang magburda ng kahit ano. Maliban lang sa mga pangyayaring konektado sa nakaraan."




W H A T ? ?

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now