Ikasiyam

7.5K 230 41
                                    

"Sigurado kang bagay sa'kin, Belen?"

Halos ilang minuto na akong nakatayo sa harap ng salamin at inaayos ang aking suot. Kulay blue na long sleeves at naka-tuck in sa puting flowy na skirt.

"Ang ganda niyo po, Binibini."


Ilang beses na niya itong isagot sa akin ngunit hindi parin ako kuntento. Kung ako ang magde-describe, mukha akong sardinas na naipit sa lata. Sobrang old-fashioned! Bakit walang mga ripped jeans at croptop sa panahon na 'to? O kahit shorts man lang? Nakakainis.


"Sigurado ka ah! Pag walang pumuri sa'kin na maganda ako ngayon, aawayin talaga kita."


"Pustahan tayo, Binibini. Halos lahat ng makakakita sa'yo ay mabibighani sa iyong kagandahan."

"Sus. I'll take that as a complement. Thank you." Ngumiti pa ako.


Ngunit ang kausap ko, lutang na naman.


"Ahh.... ang sinabi ko? Wala yun ah! Isang itim na salamangka ang katumbas ng mga salitang 'yon. Kaya 'wag mo nang pag-isipan, kundi  mababaliw ka lang."


"Gano'n ba? Tayo na Binibini. Naghihintay na si Ginoong Eduardo sa kalesa."


Lumabas na nga kami sa mansyon at bumungad sa labas ng gate ang kalesang tinutukoy ni Belen.


"Hey! Let's go?" Yaya ko at bahagya siyang hinila.


"A-ano po 'yon, Binibini?"


"Ahh. Ang sabi ko tara na. Sasakay na tayo diba?"


"Naku, nagkakamali po kayo. Kayong dalawa lang ni Ginoong Eduardo ang mamamasyal."


Wait. What?


"Napakaganda." Ang boses na iyon.


Hindi namin napansing bumaba pala siya sa kalesa, at nakapako ang tingin sa akin.


"You're staring like a pervert. Tsss." Sinadya kong magsalita ng ganon kasi totoo naman. Halos matunaw na ako sa kakatitig niya.


"Binibini, sumakay ka na. Mag-iingat kayo at sana matutuwa ka sa inyong pamamasyal ni Ginoong Eduardo." Palaam ni Belen.


"Bumalik kana sa loob ng mansyon, Belen. Ipinagkakatiwala ko na ang lahat sa iyo habang wala ako."


Agad naman pumasok si Belen at naiwan kami ni Eduardo sa labas ng gate.


"Ikaw, tara na." Mahina nya tugon at iniabot pa ang kamay nya sa'kin. Totoong gentleman pala talaga ang mga lalaki sa sinaunang panahon.


"No thanks." Pero hindi ko iyon tinggap. Duhhh! Si Papa at Kuya nga never humawak ng ganon sa kamay ko, siya pa kaya na ngayon ko lang nakasalamuha? Gentleman your face!


Pareho kaming tahimik sa byahe.

Creepy.

Baka bigla nalang kaming makasalubong ng mga kanyon at mapatay pa ako sa panahon na to. Wala na akong future na babalikan pa.


"Binibini."


Napatingin ako sa kanya tanda na narinig ko ang kanyang pagtawag.


"Maganda ba ang buhay sa panahon mo?"


Uy, curious. May planong mag-migrate do'n?


"Yeah, sobra. Hindi ka mabo-bored kasi andaming gadgets. Tapos may wifi pa para sa unli internet! At, maraming magagandang malls kung saan lagi kaming nagsho-shopping ng mga kaibigan ko."

"G-gadyet? W-waypay? I-internet? M-m-mol?" Halatang wala siyang kamuwang-muwang sa mga bagay na 'yon.

"Gadget. Tulad ng cellphone, computer-


"Anu-ano ang mga 'yan, Binibini?"




"Hays. Tamad akong mag-explain kasi hindi mo naman naiintindihan. 'Pag may time ka, ikaw na lang ang mag-adjust. Punta ka sa panahon ko para malaman mo. 1v1 tayo, mobile legends."

A Twist In Time (EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن