Ikalabinlima

6.6K 178 46
                                    

"Ikaw Belen, nakadalo kana ba kahit minsan sa mansyon ng Alcalde Mayor nyo dito?" Tanong ko habang inaayos ni Belen ang aking buhok para sa party na pupuntahan namin ni Eduardo.



"Minsan na akong isinama ni Edna noon, Binibini."


"Edna?"

"Sya ang nakakatandang kapatid ni Ginoong Eduardo."


"Ahhh. May kapatid pala sya. Asan na?"

"Malungkot ang sinapit nya Binibini. Isa sya sa mga naging biktima ng bawal na pag-iibigan nina Eduardo at Adriana."


"B-bawal na pag-iibigan? Hindi ko maintindihan. Ano ba ang ibig mong sabihin?"


"Matalik kaming magkakaibigan. Ako, si Edna at si Adriana. Naninilbihan kami sa pamilya ni Adriana ngunit kapamilya na rin ang turing nya sa amin. Si Edna ang naging tulay sa lihim na pag-iibigan nina Adriana at Eduardo. Noong panahon na natuklasan ng ama ni Adriana ang lahat, at kasabwat nila si Edna sa pagtakas tatlong araw bago ang itinakdang kasal, ipinadukot nya ito. At makalipas ang ilang araw, isang malamig na bangkay nalang ang aming nadatnan."


"Kung gano'n.... Kilalang-kilala mo pala talaga si Adriana? Nasaan na sya ngayon? A-ano na ang lagay nya?"


"Malapit lang sya dito sa Santa Elena, Binibini. Ngunit mahigpit na ipinagbilin ni Ginoong Eduardo na hinding-hindi pwedeng magtagpo ang inyong mga landas. Sa oras na magkita kayo, magbabago ang takbo ng kapalaran mo dito. At lahat ng bagay na susuwayin mo ay may kapalit."


"Hindi ko talaga maintindihan. Ano pa ang silbi na nandito ako?"


"Masasagot ang lahat ng iyong mga katanungan pagdating ng tamang panahon, Binibini. Sa ngayon ang isipin mo lang, magpakasaya ka sa pupuntahan ninyo ni Ginoong Eduardo. Marami kang makikilala doon. Sya nga pala, tapos na ako sa buhok mo Binibini."


Tumayo na ako at nagtungo sa harap ng salamin.


Hays. Nakakapagod din pala maging maganda.


Araw-araw nalang.


"Salamat sa muli Belen. At sana kapag may oras ka, magkwentuhan ulit tayo. Marami pa akong gustong malaman."


"Walang anuman. Basta ikaw, binibini. Halika na?"


"Tara."


Bumaba kami ni Belen at wala kaming nadatnan na anino ni Eduardo sa sala.



"Akala ko naghihintay na sya dito?" Nagtatakang tanong ko.


"Nakalimutan kong sabihin Binibini. Nandon sya naghihintay sa tulay. Doon malapit sa malawak na taniman ng mga bulaklak."



"Pupuntahan ko sya doon?" Kunot-noo kong tanong.


"Ituturo ko sayo ang daan, Binibini."



Palubog na ang araw habang tinatahak ko ang daan na itinuro ni Belen papunta sa tulay kung saan naghihintay si Eduardo.


Walang hiya talaga ang lalaking yon, pinahirapan pa ako. Dagdag pa nitong suot ko na sus! Halos apakan ko na sa sobrang haba.


Bago pa makarating sa tulay ay nakita ko ang lalaking nakatayo at sumasandal ng bahagya. Nakatalikod sya sa akin at ang direksyon ng kanyang mga mata ay nasa mga nakahilerang puno ng mangga.


"Ehe-eheeeeeem!" Yaks! Feel ko sumabit lahat ng plema sa lalamunan ko dahil sa ginawa kong yun.


"Andyan kana pala, Binibini."


"Akala ko aalis ko tayo? Ba't nandito ka?"

"Hindi matutuloy ngayon ang kasiyahan."


Waw nemen. Surprise ba yun?


"Nasayang lang ang oras ko sa pag-aayos." Usal ko nang makalapit ako sa kanya.


"I love you every single day." He whispered, and smiled.




W   H   A   T   ?

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now