Ikalimampu't Walo

4.2K 97 15
                                    

|ADREA|



"Kapag inanyaya ba kitang sumama sa akin, sasama ka?" Seryoso syang nakatingin sa mga mata ko.


"Sabihin mo mang iikutin mo ang mundo, kahit mapagod ako, sasama ako sayo." Yun ang mga salitang nabitawan ko.

Ilang sandali pa, may idinukot sya mula sa kanyang bulsa.


Isang pamilyar na bagay na matagal-tagal ko na rin hindi naisuot. Ang kwintas na syang pasimuno ng lahat.


"Hindi ko alam kung kaya pa tayo nitong dalhin sa nakaraan ng sabay, Adrea. Ito na yata ang kinatatakutan ko. Na oras hahawak ako sa mga kamay mo, tuluyan na akong maglalaho."



Sunud-sunod ko nang naramdaman ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi.


Just accept it, Adrea.

Temporaryo lang sya sa buhay mo.

You need to let him go eventhough it hurts. Eventhough seeing him fade away kills you.

"Susubukan natin. Kahit... kahit mahatid man lang kita... para... p-para makapag-pasalamat man lang ako kay Belen... pwede ba yon? Please... please... nagmamakaawa ako Eduardo." Humahagulgol na ako na ako sa harapan nya. Ikinulong nya ako sa kanyang yakap at akmang ipasuot sa akin ang necklace. Ngunit hindi pa man nya ito nai-lock, bigla na lang lumaki ang crack ng pendant nito at tuluyang nahulog sa lupa.


Ramdam ko ang pagtigil ng mundo ko.

Yung mga luhang bumagsak mula sa aking mga mata, tila lumilitaw ito sa hangin.

I can't move any part of my body.

I can't even blink my eyes.

Time has froze.

Pero si Eduardo na kaharap ko, nakakagalaw sya.

May inilabas syang bagong kwintas na sunflower ang pendant at pinasuot iyon sa akin.

"Babawiin ko na lahat ng alaala ko sayo, Adrea. Naiintindihan ko kapag magigising ka na lang na hindi mo na ako naaalala. Salamat sa panahon na pinaramdam mo sa akin na hindi magiging hadlang ang oras para sa dalawang pusong tunay na nagmamahalan."


Ramdam ko ang init ng kanyang halik sa aking noo.

"Iloveyou, Adrea. ipagdadasal ko na sana, muling pagtatagpuin ng oras ang ating mga landas.."

Gusto ko syang yakapin.

At mas lalong gusto ko syang pigilan nang tumalikod na sya at nagsimulang maghakbang palayo.

Sinusubukan kong tawagin ang kanyang pangalan ngunit ni isang salita, walang lumalabas sa aking mga bibig.


Habang palayo sya ng palayo, unti-unti rin syang nawawala sa aking paningin.


At yon ang paulit-ulit na dumudurog sa puso ko.












*







MARCH 25, 2018



"Diyos ko! Ano ba naman ang batang ito bakit nandito ito natulog sa labas?"


Tinig yon ni Lola. Dahan-dahan ko namang binuksan ang aking mga mata at inusisa ang paligid. Maaliwalas na kalangitan sapagkat sumikat na ang araw.

Napahawak ako sa aking ulo.


Ugh, am I drunk last night?


"May kwarto kang bata ka pero bakit dito ka sa labas nagpalipas ng gabi? Paano kung may mga taong naisipang pagsamantalahan ka?" Dagdag pa nito.

Napaupo ako sa bench at inayos yung buhok ko dahil nakaramdam ako ng init. Nang may nahagip ang aking mga daliri. Napatingin naman ako kaagad sa bagay na iyon sa aking leeg.


Isang sunflower necklace.


"Lola... naalala nyo po ba kung... k-kung sino ang nagbigay nito sa akin kahapon?" Bigla kong natanong. Ano ba kasi ang nainom ko kagabi at tila nagka-amnesia na ako?!



"Umakyat ka na muna sa kwarto mo, Adrea. Sigurado akong pagod ka pa sa selebrasyon mo kagabi." Tinulungan na akong makatayo ni Lola.



Nang maka-akyat na sa kwarto ko, chineck ko yung aking phone. Agad naman bumungad sa akin ang wallpaper.



"Oh... oh my gosh. Who's this guy?" Inopen ko naman kaagad yung photos at doon ko nakita ang mga litrato ko kasama ng isang lalaking hindi ko naman kilala. Holy craaaap? Kelan pa ako naging flirt? Dali-dali kong pinalitan yung wallpaper ko then di-nial ko si Lexie.


"Hey, hey. May kinalaman ka ba sa lalaking kasama ko sa mga litrato dito sa phone ko?"


"Aga-aga nambubulabog ka ih. I don't know. It's your phone in the first place." Sagot nya.



"Goooosh. Where are you?"


"Maaga akong umalis papuntang Maynila. Kailangan nating makaabot ng slot para sa December Avenue concert on May 27. Sobrang limited ang tickeeet! But thanks to me."


"Tsk, whatever. Hindi naman ako fan nyan eh, just supporting you tss."



"Be sure na nandito ka na rin sa Maynila before May 27, Adrea. Or else..." She warned me.



"Okay, okay. Kalma your heart." Then I hang up.

















...... itutuloy.

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now