Ikatatlumpu

5.2K 192 10
                                    

|EDUARDO/

"Uy.. Sigurado ka bang naniwala ang Lucio na yon sa drama natin? Baka.... baka naman mag-iisip ng kung anu-ano yon ah! At may gagawin syang masama jusko po baka hindi ako makauwi sa present." Nag-aalalang sambit ni Adrea. Mula pa kanina ng makabalik kami sa mansyon ay hindi na sya mapalagay dahil sa kaba. Kanina pa sya lakad dito, lakad doon.

"Bakit ka ba natatakot?"

Napahinto sya.

"Syempre! May future pa ako noh. Magtatayo pa ako ng restaurant ko, magiging famous na chef saka...... dala na do'n ang pag-aasawa." Sagot nya.

"Yun naman pala. Ba't nga natatakot ka?"

"Kasi nga baka may mangyari sakin dito tapos—

"Puprotektahan naman kita."

Nanahimik sya saglit..... at biglang tumawa ng napakalakas.

"Paano mo ako puprotektahan eh takot ka nga sa tricycle? HAHAHAHAHAHAHA."

Naku. Pinaalala na naman nya.

"Eh... wala naman ang bagay na yon dito diba. Wala akong kinatatakutan."

"Talaga lang ah?" Usisa pa nya.

"Ay. Meron nga palang isa."

"Sus. Tricycle talaga yan pustahan pa tayo HAHAHAHAHAHA."

Habang pinagmamasdan ko syang nakangiti ay naalala ko ang nga panahong si Adriana pa ang aking kasama.

•FLASHBACK•

"Kapag dumating na ang tamang panahon, gusto kong magpakasal tayo. Pagkatapos......  uhmmm.... magkakaanak. Mga......  dalawang dosena?"

Hinampas nya ako sa balikat at tumawa sya.

"Hindi ako manok na kayang mangitlog ng ganyan karami ah! Ikaw ang baboy mo."

Napangiti na lang ako sa isinagot nya.

"Eto. Sampu na lang."

"Marami pa din yun ano ka ba?" Muli na naman nya akong himpas.

"Oh sige. Lima nalang. Apat na lalaki tapos.... isang bunsong babae."

Kita ko agad sa kanyang mukha ang pagtataka.

"Hindi naman ata tama yon. Bakit isa lang? Sigurado ako na kapag lumaki sya, palagi syang malungkot dahil wala syang makakalaro na babae."

"Mmmmm. Pwede naman maging kalaro ang mga kuya nya diba?"

Hinampas nya ako sa huling pagkakataon.

"Ayokong makipag baril-barilan ang prinsesa ko."

••

Sa tuwing naaalala ko ang nga panahon na yon, wala na akong ibang nagawa kundi tanggapin na ang lahat ng bagay na pinangarap namin, walang kahit isa'ng natupad.

Ibang lalaki ang pinakasalan si Adriana. Magkakapamilya sya ngunit hindi ako do'n kasama.

"Nanahimik ka ata ah."

Bumalik ang diwa ko nang magsalita si Adrea.

"M-may... may naalala lang ako."

"Sus. Masaya na yon sa iba. Saka.... uso move on noh." Tinapik nya ako sa balikat. Napangiti nalang ako dahil tila ba nababasa nya ang aking isipan.

"Sayang, wala man lang Mcdo dito. Alam mo, karamihan sa mga taong nasasaktan sa kapanahunan ko, sa Mcdo pumupunta. Kasi naniniwala sila na isang paraan yon para makalimot."

"H-h-ha? Sa ano'ng paraan?"

"Kumakain! Duhh. Pag broken ka isang napakalaking katarantaduhan ang mag-skip ka ng pagkain noh. Bakit mawawalan ka ng gana eh nasa kanya ba ang kaldero at ulam nyo?"

Natawa ako sa sinabi nya. Naalala ko tuloy noong nabalitaan  kong ikakasal si Adriana. Halos araw-araw akong hindi makakain dahil sa sakit ng kalooban.

"Oyyy. Natahimik ka ata. Naranasan mo ano?" Pangungulit nya.

"Wag mo nang ipaalala." Tinakpan ko pa ang tenga ko. Ngunit tinatanggal naman nya ang aking mga kamay.

"Ahhh So totoo nga. HAHAHAHAHAHA Nahihiya pa sya yiiiiiie."

"Nagkakaganyan lang naman ang isang tao kapag mahal nya talaga. Tulad ko."

Bigla syang natigil sa pangungulit sa akin at nanahimik.

"Lumabas ka na nga. Magbuburda pa pala ako."

Tinulak nya nga ako palabas ng pintuan.






A/N:
Helloooo Happy 600+ reads!  Hihihi ang saya ko lang. Special thanks po sa mga nagbabasa, then sa mga votes po ninyo. Saka syempre sa mga nag-aadd sa kani-kanilang Reading Lists. Salamat po ng marami. Yung plano kong i-unpublish nabago na kasi nakakainspire lang. Namotivate tuloy akong mag-update. Basta! Sobrang thankyouuuu po at sana andito pa rin kayo hanggang sa huli ♡ *EmsBaliw sending hugs*♥

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now