Ikalimampu't Isa

4.3K 109 4
                                    

|ADREA|


"....Gigising ka ng hindi mo alam na nakilala mo ako. Mabubura ako sa iyong isipan. Tuluyan mo na akong makakalimutan...."


Paulit-ulit na yon na pumapasok sa isip ko.


Ilang oras na rin kaming nakauwi matapos ako makahingi ng tulong mula sa mga guwardiya sibil na rumuronda malapit sa pinagdukutan sa akin.



"Binibini... pasensya ka na talaga kanina. Wala akong nagawa para iligtas ka." Kanina pa paulit-ulit na humihingi ng patawad si Belen.



"Wala ka namang kasalan, Belen. Kung tutuusin, ako pa ang dapat himingi ng tawad sayo. Kung hindi sana ako sumama sana hindi pa ito lahat nangyari."



"Sa ngayon, siguro kailangan nyo munang umalis dito Binibini. Bumalik ka sa taong pinanggalingan mo. At kung maaari, isama nyo nalang si Ginoong Eduardo."



"Ngunit paano? Tatalab lamang ang kuwintas kapag sya ang nagpasuot non sa akin."



At dahil hawak-hawak ko nga ang kuwintas, kinuha iyon ni Belen at itinapat sa palad ni Eduardo.



"Humawak ka sa kanya, Binibini."



Sya ang kumontrol ng bawat daliri ni Eduardo para maipasuot sa akin ang kwintas. Ilang saglit lang, nakaramdam na nga ako ng pagkahilo.











Nakatitig na ako ngayon sa kanyang maamong mukha na ngayo'y balot ng mga pasa at galos.


"Kanina ka pa dyan nakatitig ah. Baka mamaya matunaw na yan." Ani ni Lexie na nasa likuran ko at may dalang mainit na tubig.


Parang wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil hindi ko alam kung sa mga oras na to, maniniwala na ba sya sa akin.


"L-lexie... matagal ba kaming nawala sa harapan mo kanina?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.


She checked her wrist watch.

"Three minutes." Ngumiti pa sya.

"L-le-lexie.. Naniniwa—


Naputol yung pagsasalita ko nang bigla nya akong yakapin ng napakahigpit.



Hindi ko napigilang mapaluha matapos maramdamang uhaw ako sa mga yakap na yon. Ang yakap na nagpaparamdam na sa kabila ng pagkalito, meron pa akong karamay.



Feel ko tuloy sasabog na yung puso ko. May nakakaintindi na sa akin.




"Alam kong hindi madaling makipaglaban sa espada ng orasan, Adrea. You're living in the present while he's from the past. Don't forget the one century gap between the both of you. Maaaring maging katumbas ng napakahabang panahon na yan ang panghabang buhay na poot sa puso mo." Pagpapatuloy pa nya habang nakayakap na rin ako sa kanyang bewang.




"Dumating na yung kinatatakutan ko, Lexie. Nasa punto na ako ng buhay ko na parang ayoko na syang ibalik sa kung saan man talaga sya nanggaling. Natural lang ba yon dahil nag-aalala ako sa maaaring mangyari sa kanya kapag bumalik sya?"




"Natatakot ka lang, Adrea. Natatakot ka sa katotohanang kapag kumapit ka sa mga kamay nya, alam mo sa sarili mong ayaw mo nang bumitaw. Nasanay ka na kaya takot kang mag-isa."




Saglit kaming binalot ng katahimikan bago pa sya ulit nagsalita.




"O sya. Bababa na muna ako. Kung sakaling kailangan mo ng back up dito, one call away. Saka, tama nang iyak yan! Ang pangit mo." Tumawa pa sya.



"Bruha ka talaga! Ikaw tong mas pangit kahit di umiiyak eh." Tumawa na rin ako. Then she left.



Kumuha ako ng bimpo at dahan-dahang nilinis ang mukha ni Eduardo.

Sht.

Lola Adriana, patawad. Kung nasaan ka man ngayon, sana malaman mong hindi ko sinasadya. Hindi ko planong agawin sayo ang one geat love mo.



Tila kumakarera ang aking puso at atay nang may humawak ng kanan kong braso. Doon ko lang din napansin na nakadilat na ang mga mata ni Eduardo at sya ang humahawak sa akin.




"Kahit kelan talaga ang tigas ng ulo mo." Bungad nya. Ano na naman ba ang nagawa ko?



"May... may nagawa ba ako?" Nag-aalala ko namang tanong.





"Adrea humihina ang kapangyarihan ng kuwintas. Maaaring yan ang magiging sanhi ng pagkasira nito."




"Pa'no pagnakataong nandon ka sa panahon ko at masira yan? Hindi ka na makakabalik sa hinaharap." Dagdag nya.





"Alam ko ang ginagawa ko, Eduardo. Sinusubukan ko lang naman. Saka hindi rin naman kasi gano'n kadaling iiwan kita doon lalong lalo na at may ginawa nang masama si Lucio."




"Sana ay matuto ka nang bumitaw, Adrea."




Parang sinaksak ng isang milyong patalim ang aking dibdib matapos nyang pakawalan ang nga salitang iyon.





"Ah.." Tuluyan nang pumatak ang aking luha.





"Akala mo kasi gano'n lang kadali yon eh. Kung gusto mong bumitaw ako sana hindi ka nag-iwan ng mga alaalang syang papatay sa akin ng paulit-ulit, Eduardo! Kung pwede lang sanang balikan ang mga panahong nakasama kita, edi sana napigilan ko ang damdamin kong huwag mahulog sayo. Sana noon pa lang sinabi mo na kaagad na pansamantala lang to lahat. Sana nakaiwas ako.. nakailag ako.. para naman hindi ganito kasakit bumalik sa realidad na umpisa pa lang, hindi talaga tayo para sa isa't isa."

























.... itutuloy.

A Twist In Time (EDITING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin