Ikalawa

12.2K 300 81
                                    


"Ang apo ko!"

Rinig kong banggit ni Lola nang makita akong pababa sa hagdan.

"Mano po."

Ngunit sa halip na tugunin nya ang kamay ko, niyakap nya ako ng napakahigpit.

One.

Two..

Three...

Four....

Five.....

Six......

Sh*t! I need oxygen!

"L-l-lola. Lola I can't breath." Reklamo ko kaya niya ako pinakawalan.

"Ano ba yang suot mo?" She said, while checking on me from head to toe.

"Ganda ko Lola di'ba?" Namaywang pa ako.

"Magpalit ka sa itaas Adrea. Kinapos ng tela ang suot mo." Lola? Srsly?

"Lola, cropped top ang tawag dito. Ito ang uso ngayon!" Tanggol ko pa.

"Wala akong paki basta magpalit ka. Madali kang mabastos sa labas pag ganyan ang itsura mo."

Ugh. And what to do you want me to wear? Duster na hanggang talampakan? Errrr. Pero wala akong choice! Kaya muli akong umakyat para magpalit.

"Okay na 'to?"

Nakatayo ako sa harapan ni Lola at kinilatis naman niya ng maigi ang aking suot.

"Okay na sana pero.... bakit butas-butas yan?" Turo nya pa sa jeans ko.

"Ripped jeans po ang tawag dito, Lola."

"Ayaw ko niyan. May butas. Magpalit ka."

Hays. Padabog na naman akong umakyat.

"Tell me okay na."

Seryoso lang ang tingin ni Lola sa akin.

"Alam kong maputi ka Iha, pero sana naman wag mong ipakita sa iba yan."

"Off shoulder to."

"Palit."

"Lola tell me this is okay. This is my last choice. Nakakapagod umakyat at bumaba sa hagdan."

"Yan naman pala Iha. Pinahirapan mo pa ako."

What? Excuse me, ako yung napagod kaka-akyat at baba sa hagdan.

By the way, nakasuot na ako ng itim na leggings at hoodie jacket. Pinaresan ko na rin ng tennis shoes.

Hinawakan na ni Lola ang aking kamay ay naglakad na kami palabas.

"Sina..... Mama?" Tanong ko.

"Tayong dalawa lang ang aalis. Hindi sila kasama."

Nabadtrip ako kasi akala ko magro-road trip kami gamit ang kotse. Pero bes hindi eh! Sumakay kami ng tricycle at tiniis ang bato-batong daan. Siguro bago makababa, maka-ilan pang untog ang ulo ko.

"Lola saan po tayo mamamasyal?" Tanong ko nang makababa na kami sa isang plasa.

"Marami akong ikukwento sayo Iha."

Ayan na naman si Lola. Pinanindigan talaga ang edad dahil sa mga ka-weirdohan na inaasal nya. Lakas maka-1940's.

"May ibibigay ako sayo, Adrea."

"Mamamatay kana Lola? Ibibigay mo na sa akin ang lahat ng pagmamay-ari mo? Ako ang magmamana ng hacienda natin?"

Kinurot ni Lola ang tagiliran ko.

"Ikaw na bata ka. Malakas pa ang tuhod ng Lola mo. Hindi pa ako mamamatay."

Haaaay. Akala ko naman magiging tagapagmana na ako ng yaman ni Lola. Hindi pa pala.

"Pero may mahalagang bagay akong pagmamay-ari na ibibigay sayo Iha."

Halos mapunit ang aking mukha dahil sa lapad ng aking ngiti.

Ano ang ibibigay ni Lola?

Ang mansion ba?

Ang sunflower farm?

O hindi kaya.......

ANG KANYANG BANK ACCOUNT?!

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now