Ika-apatnapu't Anim

4.7K 124 29
                                    

|ADREA|

"About the other guy...I dont exactly know what I'm feeling for him but... it's the first time that my heart seems to explode each time he's around. Is this... is this LOVE?"

"Ilang days pa lang LOVE agad? Ikaw ah, nagda-drugs ka ba these past days?"

"Bruha ka talaga. Diba sabi ko sayo... nakabalik ako sa past? Tapos... ilang weeks akong nando'n! Syempre... you know. Marami nang nangyari doon pa lang. At eto pa ah. Sa hinaba-haba ng mga araw na naroon ako, ilang minuto lang akong missing dito. Amazing right?" Here I am, trying to explain myself to Lexie, again and again.


"Ugh, Adrea. Can't want to see you. Atat na atat na akong sapakin ka, alam mo yun?"

"Oh, slap me as many times as you want Lexie. Pero kung totoo ang sinasabi ko, would you tell me one of your darkest secrets?"

"Hell no!" Gano'n pa rin sya. Kahit matagal na kaming magkaibigan, meron talagang isang bagay na hindi nya masasabi sa akin. Pero naiintindihan ko naman.

"Sige eto na lang. Pag napatunayan mong totoo ang sinasabi ko, gagawan mo kami ng portrait ni Eduardo." Yeah, Lexie is indeed the best person pagdating sa art. Starting from the way she dresses, how she arrange her room... everything. Siguro kung naging lalaki ako, sya yung description ko ng perfect ideal girl.

"Tsss. Portrait lang naman eh. Deal! Eh, what if hindi mo mapatunayan? Would you let Rion Hernandez enter your life again?"

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Then lahat ng memories about that f*ck boy were all coming back. Pero hindi... may tiwala ako sa kwintas... May tiwala ako kay Eduardo. Mapapaniwala ko si Lexie.

Susugal ako.

"Okay, deal."

"Nice. Aasahan ko yan, b*tch. By the way, I'll hang up na. Ilang oras na lang, nandyan na rin ako. Be sure na I'll get the warmest welcome! F*ck you, bye."

Matapos yung conversation namin ni Lexie, bumangon ako sa couch at pinuntahan si Eduardo sa mini kitchen. Siya kasi yung nagpresentang magluto ng kakainin namin para sa hapunan.

"Pupunta yung kaibigan ko dito at... at gusto kong maniwala sya na totoo ang lahat ng sinabi ko tungkol sayo... pati na rin sa pinaggalingan mo. Can you help me?"

"M-may... may pinagsabihan ka tungkol sa'kin?"


"Mmm... y-yeah. But... bestfriend ko naman si Lexie eh. Maaasahan yon. At kahit medyo bungangera yon, never pa nya akong binetray. Promise, hindi sya nagsusumbong sa iba."

"May tiwala ako sa'yo, Binibini." Tumango sya.

"It's a yes?"

Tumango sya ulit.

"IT'S A YES! Yes! Thankyou!" Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ko.

The next thing I realized, yakap-yakap ko na sya.

Shet and landi ko!

"Omay. Sorry, sorry. Na... na-carried away lang hehe." Bumitaw agad ako.

"Sa panahon ko, pag ginawa mo yon ibig sabihin mahal mo yung taong niyakap mo." Explain naman nya.


"Panahon mo lang yun eh. Dito kasi, pag niyakap ka... Marami ang ibig sabihin no'n. Pwedeng... oo mahal mo nga. Pero... yung pagyakap ko sayo... pagpapasalamat lang talaga ang ibig sabihin no'n." Well said, Adrea. Give me a round of applause.


"Ano na nga pala yung niluto mo?" Pag-iiba ko ng usapan.


Kasunod no'n ay kinuha nya ang nakatakip sa plato.

"Gosh? A-ano to? Bakit... bakit durog-durog tong sardinas? At... bakit tubig yung sabaw? Asan yung sariling sabaw nito? Yung... yung kulay pula?"

"Nahirapan kasi akong kunin ang mga tinik ng isdang yan kaya nadurog, Binibini. Saka... yung dugo nila grabe pala noh? Halos malunod sila sa sarili nilang dugo. At nagsisiksikan pa sila sa loob ng latang yon."

Tang*na. Bobong anak huhuhu.

"Hindi mo na kasi dapat kinuha yung nga tinik kasi... luto na to eh. Saka hindi nila dugo yung kulay pula! Sabaw yon! May lasa na! Masarap na." Napakamot nalang ako sa ulo habang pinagmamasdan yung ginawa nya. The f*ck. Naawa tuloy ako sa sardinas. Mukhang minassacre ng libu-libong baby shark.

"Naku. Gano'n ba? Pasensya na Binibini."

"Okay lang. Buti na lang talaga at isang lata lang yung nasayang. Ako na lang ang maghahain."

Kasunod no'n ay kumuha ulit ako ng isang lata ng easy open sardines, naghiwa ng bawang, sibuyas at kamatis. Pinainit ko na rin yung mantika sa kawali para panggisa. Pansin kong nag-oobserve naman si Eduardo sa mga ginagawa ko.

Sh*t. Here's my hatest part. Yung ilagay na ang bawang at sibuyas sa kumukulong mantika. Pinatay ko na lang muna ang stove para medyo humupa ang init ng mantika. Wala kasi akong alam na pwedeng gawing shield dahil naiwan sa mansyon ni Lola ang payong ko.

I get the garlic and onion with my bare hand, take 2 steps away from the stove then boooom!

Ihinagis ko sa kawali! Hindi ako tinamaan nung tumalsik ang mantika WAHAHAHAHAHA!


"Tulungan na kita, Binibini." Sambit naman no Eduardo sabay kuha ng mga kamatis.

Tulad ng ginawa ko, umatras din sya ng dalawang hakbang at akmang...

"OY ANO KA BA WAG MONG IHAGIS!" Baliw. Buti nalang talaga napigilan ko.

"Ako na lang." Kinuha ko ang kamatis at dahan-dahang hinalo do'n sa ginihisa ko. Ayon, naamoy ko na. Sooobrang bango!

Matapos ang ilang minuto ay ihinalo ko na rin ang sardinas. Yey! Sa wakas, nagbigyan din ng hustisya yung mga isda sa loob ng lata. Sumalangit nawa ang ibang kaluluwa ng dinurog na isda!







Habang kumakain, ini-on ko yung TV at saktong ANG PROBINSYANO ang palabas. Nagbabarilan na sa eksena so ako, excited na rin kung sino yung matatamaan. Si Lino? Or si Ace? XD

"Diyos ko! Umilag ka Binibini! Baka matamaan ka!" Halos humiwalay yung espiritu ko nang napasigaw si Eduardo. Buti nalang at hindi ko nabitawan ang pinggan, kung hindi sayang naman sana yung pagkain.


"Binibini!" Bigla nya akong niyakap.


"Ayokong masaktan ka. Kaya dadaan muna lahat ng bala sa akin bago pa man ito umabot sayo." Sabi pa nya habang kumo-cover sakin. Kinapa ko yung remote na nasa tabi ko lang at pinindot yung OFF.



"T-teka, teka... kalma lang. Wala na." Inilayo ko sya sa akin.

"Pero... nagbabarilan sila Binibini. Baka madamay pa tayo."

"Kalma lang kasi. Palabas lang yon. Doon lang yon nangyayari. Hindi tatagos yung bala, at hindi tayo matatamaan. Okay?"

Hindi na lang ako nanuod. Tahimik nalang naming pinagpatuloy ang hapunan.

Then my phone vibrates.

From: B*tchy Lexie

"I'm here."






















A/N:
Happy 2.3k reads! Wala lahat ng to kung wala kayo kaya maraming maraming salamat! Looking forward for an unending support hanggang sa matapos to at mailalabas na yung sequel! HAHAHAHAHA Yung feeling na wala pang ending tas may book 2 na? Abnormal jusko.

Vote, follow and comment ♥
love youuuu people  ♡

~emsbaliw.

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now