Ikadalawampu't Lima

5.4K 147 19
                                    

"Salamat." Iniabot ko na kay Eduardo ang kwintas at agad naman nya itong ibinalik sa maliit na kahon.


"Ang ganda pala talaga ng panahon na pinanggalingan mo, Binibini. Marami pa sana akong gusto matutunan do'n."



"Teka..... paano mo nagawang sumama sakin do'n?" Nagtataka kong tanong.



"Gusto mong malaman?"


Nakangiti akong tumango.


Inilapit nya ang kanyang bibig sa aking tenga.



"SECRET." Bulong nya at humagalpak sa tawa.



"Nambu-bw*s*t kana naman! Saka, SECRET lang ang english word na alam mo! At takot ka lang naman pala sa traysikel sus. Hindi mo ikina-gwapo yun noh." Tumayo at nagdabog pababa sa hagdan. Nagkasalubong naman kami ni Belen.



"Oh ba't parang nagmamadali ka ata, Belen?" Usisa ko.



"B-binibini. Si Senior Lucio nasa labas."



Lucio....



Sinong Lucio?


Lucio San Pedro?


Hindi... hindi...



National Artist yon eh.


Ahhh. Oo, yung Lucio pala na anak ng alcalde mayor.



Ba't andito sya?



"Sino ang nasa labas Belen?" Hindi ko namalayang bumaba na rin pati si Eduardo.



"S-si... si Senior Lucio po, Ginoo."



"Ako na ang haharap sa kanya. Tulungan mo nalang si Adrea sa pag-aayos."



"O-opo."




Dali-dali kong hinila si Belen papasok sa kwarto at nagkulong.



"Magkaibigan pala sina Eduardo at Lucio?" Usisa ko in a very soft voice.



"A-aba. Hindi naman Binibini. Sa katunayan nga, ito ang unang beses na napunta sya dito sa mansyon."



"Teka lang! Dito nalang ako maliligo at magkukwento ka sa'kin pagkatapos ah!"



Hinablot ko ang tuwalya at tumakbo papasok sa banyo.



After 15 minutes........




I'M DONE!



"Binibini....  ang bilis mo ata ngayon."



Yeah, binilisan ko talaga.



At na notice agad yon ni Belen dahil akalain mo ha! Halos dalawang oras ang normal bath ko. Tapos naging 15 minutes. Wow Adrea! Nagsawsaw ka lang ng daliri ganu'n?



"Sinadya ko talaga kasi marami akong gustong itanong sa'yo."



Kinuha nya yung tuwalya sa akin at sya mismo ang nagpatuyo ng buhok ko.



"Matagal mo na bang kilala si Lucio, Belen?"



"Ang totoo nyan Binibini......... Dating manliligaw ni Adriana si Senior Lucio."



"Eh.... ano'ng nangyari?"




"Si Senior Lucio din sana ang unang lalaki na nakatakdang ipakasal kay Adriana. Ngunit hindi na iyon nangyari sapagkat naging magkaaway ang kani-kanilang mga pamilya sa politika. At kahit patay na patay si Senior Lucio kay Adriana, napilitan syang talikuran ang pagmamahal nya dahil sa utos ng ama na alcalde mayor."



"Tsss. Simula pala talaga noon, ganyan na ang mga lalaki. Mahal nila pero hindi nila pinaglalaban." I pouted.




"Naging sunud-sunuran kasi, Binibini. Hinayaan nilang diktahan ng iba ang kanilang mga puso."



Wow. Belen isdat u? May tinatago din palang hugot to.




"Eh... yung napangasawa ng Lola ko? Ano'ng klase ng lalaki naman sya?"




"Mmmmmm. Mabait naman si Senior Feliciano—



Bigla nalang akong nabilaukan ng sarili kong laway nang marinig ko ang pangalang iyon. *insert 1000 coughs*



"Ayos lang po ba kayo, Binibini?"



Um-oo lang ko. Ano ba naman kasiiiiii. Ang bantot ng mga pangalan ditoooooo.




"Wag mo na akong isipin Belen. Magpatuloy ka nalang sa ikinukuwento mo."



"Kay Senior Feliciano, wala naman akong ipinapangamba. Pero sa kanyang ama, meron. Sapagkat sya ang nagtangkang pumaslang kay Ginoong Eduardo noon nang matuklasan nyang itatakas sana nito si Adriana tatlong araw bago ang itinakdang kasal."




Hays. Haba ng Hair mo Lolabels! Andaming papi na nagkakandarapa para lang makuha ka.



"Huling tanong nalang Belen ha. Sa tingin mo, bakit kaya naparito si Lucio?"



Biglang natahimik si Belen habang napahawak sa dibdib nya at nakapako ang tingin sa akin.




"Hindi kaya..... hindi kaya naalala nya sayo si Adriana, Binibini?"








itutuloy.

A Twist In Time (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon