Ikaapatnapu

4.6K 118 23
                                    


Nadatnan ko sina Mama at Lola na nasa sala. Busy sila sa pag-uusap kaya hindi nila napansin ang pagdaan ko. Plus, I was very careful.



Kinapkap ko sa bulsa ng aking hoodie ang aking phone. Phewww, 4:45pm . Ilang minuto lang akong missing dito sa panahon ko.


Mabilis akong pumunta sa garden ni Lola kung saan malapit din doon ang bintana ng kwarto ko.


Guess what? Tama yung instincts ko. Sikretong sumisilip doon si Eduardo at tinitignan kung may tao. HAHAHAHAHAHA Sa bintana talaga sya dadaan ah?




"Psssssst!" Sitsit ko sa kanya. Napatingin naman sya agad sa direksyon ko.


Itinago ko ang aking sarili sa likod ng nga bulaklak dahil baka may makakita sa akin.



"Bumaba ka na daliiiii! Ako ang magbabantay kung may paparating." Mahina kong utos.


Tumango naman sya at napangiti.



Nagsimula na syang sumapa sa bintana at kahit anong oras ay handa na syang tumalon.




"Dali na! Habang wala pang lumalabas!" Tawag ko.


Ngunit ilang saglit lang, narinig ko ang pagbukas ng front door at dahil don, ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking dibdib.



"Hoy tumalon kana bilis! May paparating!" Yeah, pati ako nag-panic na rin.

Sinunod naman nya ako at tumalon na nga sya mula sa bintana sa nasa ikalawang palapag. Bumagsak sya sa harapan ko.


Napatingin naman ako sa taong paparating. F*ck! It's Kuya!


"Kailangan nating magtago daliiii!" I grab his hand at hinila sya papunta sa likod ng matataas na halaman.




"Binibini. A-ang sakit ng pwet ko—





"Ssssssh! Pag nahuli tayo hindi makakatulong yang pwet mo." Bulong ko at tinakpan ang bunganga nya. Ang init ng kanyang hininga, halatang kinakabahan din.



Chineck ko ulit si Kuya. Palinga-linga pa sya sa paligid bago sinagot ang kanyang phone.






"Hey, dude."


"We're okay. She's okay."


"Upstairs. She's inside her room."


"No need to remind me. She's my sister.  Of course, I will look after her."






Curious ako kung sino ang kausap ni Kuya. But one thing I'm sure of, ako ang pinag-uusapan nila.


Nang walang anu-ano'y gumalaw si Eduardo at naging sanhi yon ng pagkaluskos ng mga tuyong dahon sa pinagtataguan namin.


Sht. Napatingin si Kuya sa direksyon namin.



"Wait dude. Gotta go check somethin'." Then nagsimula syang lumapit.




Sh*********t.





"Meow."




Nagulat ako nang inalis ni Eduardo ang aking kamay mula sa kanyang bunganga at agad syang nag tunog-pusa.






Napaatras si Kuya at tila napaniwala nga sya na pusa yung gumawa ng sound na yon.





Takot si Kuya sa mga pusa.





"It was just a lil cat. Where are we? Ah... yeah. One week lang kami dito." Nagsimula syang maglakad palayo sa hardin.



Phew. Bumalik na sa normal ang heartbeats ko.




Napatingin ako kay Eduardo na pinipigilan ang  sarili na hindi matawa.





"Ano?" Pagtataray ko.




"Sakit ng pwet ko eh.  Dinadaan ko nalang sa tawa." Sagot nya.




Hinila ko sya para makaalis na kami bago pa man may makakita sa amin.





"Binibini.... Naka-ilang puntos ka na sa akin mula pa kanina ah. Alam mo bang..... kinikilig ako sa tuwing hinahawakan mo ako?"





Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa.



"Hoy. Wag mo ngang bigyan ng malisya ang pagtatanggol ko sa'yo! Saka, okay na sana dahil pinabalik mo ako dito eh. Kaso sumama ka pa tsk."




Dahil mas nauna akong maglakad, nilingon ko pa sya.








"At para malaman mo, sa lahat ng pusa, ikaw yung pinaka DUGYOT." Then I turned my back.














....itutuloy....

A Twist In Time (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon