Ikalabintatlo

6.8K 204 32
                                    

|ADREA|

Naggising ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa aking balat.


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at inusisa ang paligid.


"Tinanghali ka ata ng gising, Binibini. Nakahanda na ang iyong paliguan."


Si Belen ang una kong nakita at nag-aayos sya ng mga aklat sa shelf.



Awwww. Ang sakit ng ulo ko.


"Mukhang hindi umubra ang iyong plano, Binibini."


"Shut up." I rolled my eyes at tinakpan ng unan ang mukha.


Urgh! AKO ANG NAHULOG SA SARILI KONG BITAG!


Hindi ko nagawang lasingin si Eduardo at nakawin ang kwintas! Nakakainiiiiiiiis!


Ganon na ba ako kasama para parusahan ng ganito? Waaaaaaaaaaaa.


"Bababa na tayo Binibini. Sapagkat naghihintay narin si Ginoong Eduardo upang sabay na kayong kumain."


"Bakit? Hawak ko ba ang rice cooker? Nasa akin ba ang ulam? Mga kitchen utensils? Bakit hinihintay nya pa ako?"


"Sapagkat dyan ako magaling."


Nanigas ako nang marinig ang boses na yon. F*ck, he heard what I've said!



May kumuha ng unan na nakatakip sa mukha ko.


"Nakatulog ka ba ng maayos, Binibini? Kumusta na ang iyong pakiramdam?"


"Don't talk to me. I hate you."


"Dahan-dahan ka ngayon sa mga sinasabi mo Binibini sapagkat nagsisimula na akong mag-aral sa wikang Ingles."


Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang sabihin nya iyon.



"Before you learn how to speak and understand English, I will make sure that I already left this place! I dont want to see your face anymore!" Sa sobrang inis ay ibinato ko pa sa kanyang ang ibang unan.


Naniningkit ang kanyang mga mata sa kakatawa at lumilitaw din ang kanyang dimple.


Nambabadtrip ba sya?


Urgh!


PERO BAKIT BA ANG CUTE NYA PA RIN?


Inutusan nya si Belen na bumaba at ayusin ang damit na isusuot ko. Kaya naiwan kaming dalawa.


"Alam mo bang wala ka sa katinuan kagabi?"



Sinamaan ko sya ng tingin.


"Grabe! Kung makatingin ka parang lalamunin mo ako."



"Matagal pa ba ako dito? Gusto ko nang umuwi."



Napahinga sya ng malalim.


"Ang alam ko lang, hindi pa ito ang tamang panahon."


"Hindi! Hindi ako naniniwala! Alam kong nagsisinungaling ka lang! Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Ang kwintas. Nasaan ang kwintas?"


May dinukot sya mula sa kanyang bulsa. Isang maliit na kahon.

"Tapat ako sa mga salita ko, Binibini. Hindi ako nagsisinungaling." At mula sa maliit na kahon, kinuha nya ang kwintas at ipinasuot sa akin.


Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya ako napapikit.


When I opened my eyes, nasa ibang lugar na ako.

Dito.


Dito kami namasyal ni Lola bago nakawin sa akin ang kwintas.



Napatingin ako sa suot ko.

Naka black hoodie jacket at leggings! At isa nalang ang sapatos ko.


BUMALIK AKO SA PRESENT!


"Ahh." Napahawak ako sa aking ulo nang muling sumakit yon. Nandilim na naman ang aking paningin.



"Ngayon siguro maniniwala kana, Binibini."


Everything becomes clear. At nawala na ang sakit ng ulo ko. Pero nang usisain ko ang paligid, si Eduardo na naman ang aking nakikita. Bumalik ako sa 18th century.





"Wala pang sapat na oras para bumalik ka. Kung talagang pipilitin mo, gusto mo man o hindi, babalik at babalik ka parin dito."

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now