Ikatatlumpu't Pito

4.6K 115 3
                                    

Ewan ko ba kung magpapasalamat ako kay Belen o hindi. Basta natatawa na lang ako sa sarili ko habang pinagmamasdan ang aking reflection sa salamin. Tinatakpan ang aking noo ng nagtataasan at naglalakihang dahon. Ayan tuloy! Nagmukha akong ermitanyo!

"Binibini makakatulong yan para mawala ang sakit ng iyong ulo." Sabi ni Belen at tinalian pa ang nasa noo ko.

"Kailangan ba talaga akong magmukang tanga, Belen? Parang miyembro ako ng isang makalumang tribu."


"Maganda ka pa rin naman, Binibini. Kahit magkatagyawat ka pa, kahit may dahon pa dyan sa iyong ulo... Maganda ka pa rin."


Nagpa-cute naman ako sa pamamagitan ng pagfinger comb ng aking buhok.


"Ehe. Enebe. Elem ke nemen eh."



Walang anu-ano'y may kumatok sa pintuan.


"Maaari bang pumasok?" Mala-angel na tinig ng babae. Nag sink-in naman agad sa utak ko ang sinabi ni Belen kahapon na darating ang kababata ni Eduardo. Ah, malamang sya yan.



"T-tuloy." Ako na ang sumagot at ilang saglit, bumukas ang pintuan at pumasok ang isang........


Oh my Gosh.


Bakit mas maganda to sakin?!



"Nakadistorbo ba ako?" Tanong nya at nakiupo rin sa kama.


Waaaaaaa. Nagmukha tuloy akong muchacha dahil tumabi sya sakin, plus pa nitong nasa ulo ko. Huhuhuhu

Kinilatis nya aking mukha... Shocks! Nakakahiya!


"Saludo talaga ako kay Eduardo sa pagpili ng mapapangasawa." Usal nya.


Feel ko kung kumakain ako or umiinom nang sabihin nya yon, for sure naibuga ko na sa mukha nya.


"Alam mo bang simula nung makababa ako kahapon sa barko at nagkita kami, ikaw lang bukambibig nya? Napakaganda raw ng dilag na kanyang mapapangasawa. Ramdam nya na sya ang pinakaswerteng lalaki dahil sa'yo."


"S-si-sinabi nya yon sa'yo?" Nagtatanong lang dsuhh. Just to make it clear, baka kasi binibilog lang ako ng babaeng to.



"Oo naman! At alam mo ba na habang sinasabi nya yon, makikita ko talaga ang kislap sa kanyang mga mata. Masaya sya."


Sht. Nagsimulang mag-init yung pisngi ko.

Why am I blushiiiiing?


"Ay, oo nga pala. Pasensya na ah! Inuna ko pa yung ibang bagay kesa sa magpakilala sa'yo. Ako nga pala si Leticia." Nagsmile sya ulit at iniabot ang kamay para magshake hands.


"A-adrea." Then nag shakehands kami.


"Oo nga pala. Napa'no ka?"

Huhuhu pwede baaaaa magtanong ka laaaaang wag mo nang ituro yung nasa ulo kooooo?


"May lagnat sya Binibining Leticia. At meron din syang buwanang dalaw." Si Belen na ang nagpaliwanag. Natural! Sya rin ang naglagay ng mga to sa ulo kowe!


"Tamang-tama. Marami akong dalang tsokolate. Kung makakapaghintay kayo, kukuha lang ako sa kwarto ko."


Parang cotton buds yung sinabi nya waaaaaa. Sarap sa ears.


"Sure! I can wait!" Excited kong sagot. Napatigil naman si Leticia na aakma sanang lumabas at napatingin ng seryoso sa akin.


Napansin kong nakatingin na pala sa akin si Belen at may pinapahiwatig na mensahe ang kanyang mga mata.


"Hindi nya alam ang tunay mong pagkatao."

Halaaaaaa. Gets ko yung sinasabi ng mga mata ni Beleeeeeen!


"Ingles yong wika na binanggit mo, hindi ba?"


Dug dug. Dug dug.


Hindi na ba ako makakabalik sa present dahil may nakaalam na ng tunay kong pagkatao?


"Pasensya kana Binibining Leticia. Nag-aaral kasi ng wikang Ingles si Adrea kaya marunong sya." Oh my Belen saved me for the nth time!



"Ah. Ganon ba." Napangiti na lang sa amin si Leticia at tuluyan nang lumabas.



"WAAAAAAAAAA Belen maraming salamat! Utang ko sa'yo ang kinabukasan ko!"


"Binibini. Yung binanggit niya tungkol sa mga nasabi ni Ginoong Eduardo...."


Ako? Mapapangasawa ni Eduardo? Hell no!





....itutuloy....

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now