Ikalabing-syam

5.9K 158 43
                                    


Kaarawan ba talaga tong pinuntahan namin? Sobrang boring dahil sa mga pinapatugtog na instruments. Tapos yung napakalaking dining table na puno na pagkain, wala namang lumalapit. Huhuhuhu baliw ata ang mga tao dito.


"Belen. Umuwi nalang tayo. Buti pa don sa mansyon ginagalaw ang mga pagkain. Saka.. antok na antok na akoooooo."



"Ngunit Binibini, hindi pa nagsisimula ang salu-salo."




"Tsssss. Asan na ba kasi si Eduardo? Dinala nya tayo dito tapos iiwan. Bastos tsk."



May itinuro si Belen at napatingin naman ako sa direksyong iyon. Si Eduardo, may babaeng kausap. Kitams? Inuna pa ang pakikipaglandian.



"Akala mo naman kung sinong gwapo. Hays. Mukha namang langaw."



Napasubsob nalang ako sa mesang inaakupa namin ni Belen at napapikit.



I'm so sleepy.







Nandito na naman ako sa napakadilim na lugar. Ngunit nakikita ko na naman silang dalawa.

"Hindi ka pwedeng manatili dito. Kailangan mong bumalik. Hinihintay ka nila."


"Ayoko! Ayoko! Hindi kita iiwan. Mananatili ako rito, hindi ako aalis."


"Wag mo na akong isipin. Iwan mo na ako. Bumalik kana."


"Sabing hindi kita iiwan! Hinding-hindi ako aalis naiintindihan mo ba yun?!"


Pilit na pinapasuot ng lalaki sa leeg ng babae ang kwintas pero nagpupumiglas ito. Ngunit nagtagumpay ang lalaki.


"Sabing ayoko! Hindi ako aalis dito lang ako!" Malakas na sigaw ng babae at hinablot pa ang kwintas na nasa leeg nya.


"Makinig ka. Pinoprotektahan lang kita, Adrea."









"Binibini. Nakatulog ka."


Nagising ang diwa ko nang maramdamang tinatapik na ni Belen ang aking balikat.



"T-t-tubig. Paki-kuha ako ng tubig."


I wiped my cheeks nang maramdaman kong basa yon.



Those dreams.



Bakit yon na lang palagi ang napapanaginipan ko? At bakit parang napakalakas ng epekto non sakin?


"Eto na ang tubig Binibini."


"S-s-salamat." Inubos ko ang laman ng baso at iniabot yon kay Belen.


"Nakatulog ka ata, Binibini. Tamang-tama, naggising ka at kainan na."



Wow. Kumakain pa pala sila? Amazing.



May mga naghatid ng pagkain sa aming table kaya hindi ko na nagawang tumayo.



"Gising kana pala, mahal na prinsesa." Usal ni Eduardo at naupo sya sa bakanteng upuan na nasa harap ko.



"Hindi ako prinsesa. Reyna ako tsk." Then I rolled my eyes.


"Kain na tayo? Gutom na ako eh." At nagsimula na nga syang naglagay ng nga pagkain sa kanyang plato.



"Yan. Kaka-flirt mo yan. Sana hindi ka na lang kumain para magka-ulcer ka. Timer!" Halos pa-bulong kong sabi.



"Naririnig kita."


"Buti nga tsk. Kala mo kung sinong loyal eh playboy naman pala." Okay, I lost my appetite.

"Alis muna ako Belen ha. Nawala na yung gana ko eh." Tatayo na sana ako ngunit muling nagsalita si Eduardo.



"Upo."


Sinamaan ko sya ng tingin.


"Hindi ako natatakot sa mga tingin mo. Upo."



"Eh pano kung ayaw ko?" Nagsimula pa akong umatras.

"ADREA."


"Yes, Eduardo?" *sarcastic tone and smile*



"Bumalik ka sa kinauupuan mo o—



"Ano? Hindi mo ako ibabalik sa panahong pinggalingang ko? Habang buhay akong mananatili dito?"



"Aangkinin ko ang mga labi mo."




"Ohhh? HAHAHAHAHA. Pervert." Dumampot ako ng table napkin at ibinato sa kanya.

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now