Ikaanim

9K 228 25
                                    



"Nandito ka ngayon sa ikalabing walong siglo. At hindi ka makakabalik sa taong pinanggalingan mo hangga't hindi ko naipapasuot sa'yo ang kuwintas."


Nasa loob kami ng mansyon at may malaking painting nga na nakasabit sa pader.


Tama ang sinabi ng isang gwardya.


Kamukha ko ang nasa painting.


Pero alam kong hindi ako 'yon.


"Anong hangin ba ang pumasok sa utak mo at inagaw mo yan sa'kin? Tapos ngayon papahirapan mo pa ako? Ibalik mo na ako sa panahon ko dahil ayaw ko dito!"


Tinaasan nya lang ako ng kilay. Nang iinsulto pa ata.



"Bakit kasi na sa'yo to? Hindi naman talaga ikaw ang tunay na nagmamay-ari nitong kwintas?"


"Binigay yan ni Adriana sa aking lola. Alam ko na ang kwento mo, ang kwento ninyo! Kaya kung babawiin mo yan dahil ikaw naman talaga ang nagbigay niyan kay Adriana, sige isasauli ko na sayo. Pero pakiusap naman sana ibalik mo na ako sa panahon ko. Hindi ako bagay dito! Tingnan mo ah! Nagmukha akong pulubi sa suot kong 'to." At itinuro ko pa ang ang aking kasuotan.


"Hindi naman pangit tignan sa'yo, Binibini. Ikaw ang simbolo ng isang tunay na dalagang Pilipina."


"Dalagang Pilipina your face!"


"Magkamukha nga kayo ni Adriana."



"Hays! Mas maganda ako sa kanya, okay? Now, tell me. BAKIT AKO NANDITO?"

"Nandito ka dahil dinala ka ng tadhana pabalik. Ikaw ang magtatama ng mga kamalian ng nakaraan."


"ABNORMAL? Seryoso ka? Bakit ako? Pati ba naman ako madadamay sa love story niyo? Ayoko 'no! Ayokong maging third wheel ng aking great grand mother at ng kanyang great love!"


"Huminahon ka muna, Binibini. Nakakabingi ang iyong bos-



"MAMAAAAAAAA PAPAAAAAAA GISINGIN NYO NA AKOOOOOOOOOOOOOOOO! Hindi to magandang panaginip kaya wake me up!"



Halos humiwalay na ang kaluluwa ko dahil sa sigaw na nilikha ko. Nakapikit lang ang aking mga mata at tinatakpan ko ang aking magkabilang tenga.


*silence*


Ohmygosh.


Nasa real life na ba ako?


Gising na ba ako?

*eyes open*

*blink*

*blink*




"Ayos ka lang ba, Binibini?"



Waaaaa. Bakit andito parin ako? Bakit hindi ako magising? Bangungot na ba 'to?


"I'm sorry but I really need to go now." Pagkasabi no'n ay agad akong tumayo at tumakbo palabas.


Mabilis naman niya akong sinundan.


"Sandali lang Binibini! Saan ka ba pupunta?"


"None of your business! Stay away from me! Kung hindi mo ako ihahatid pabalik, pwes uuwi akong mag-isa!"



Tinatahak ko ang mainit at maalikabok na daan. Sh*t. Ito na ata yung pinaka-worst nightmare ko. Hamakin mo ah? May pa-kalesa pa akong nasasalubong. Weird.



Hirap na hirap na ako sa kakatakbo, dagdagan pa nitong suot ko na hanggang talampakan. Feel ko tuloy madadapa ako. Urgh! Mama naman kasi eh sabing gisingin nyo na akooooo!



"Hindi pa kasi ang tamang panahon para bumalik ka!"


Nang marinig ko yon, napahinto ako sa pagtakbo at nilingon sya.



"What?"


"Binibini! May paparating na kalesa tumabi ka!"






Pero bago paman makaiwas sa kung anong paparating, the next thing I knew I was already lying on the ground.

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now