Special Chapter

4.3K 115 6
                                    

|EDUARDO|

Oo. Umpisa pa lang, alam ko na. Kung kami nga ni Adriana ay hindi nagkatuluyan, tayo pa kaya? Hindi ko maintindihan ang tadhana dahil wala ka naman talagang kailangang itama. Bigla ka na lang dumating at ang pusong unti-unting natutulog ay muling nagising. Sinubukan kong kontrolin at pigilan ang damdamin. Ngunit sa tuwing nariyan ka, ako'y laging napapatingin. Hanggang sa naramdaman kong tila lumalalim. Na parang isang balon na nakakubli sa dilim. Hindi ko inaasahang may mabubuong pagtingin. Nabigyan ulit ng dahilan para magbulong sa hangin... na sana itong nararamdaman ko'y hindi mo mapansin. Ngunit ang pangalan mo'y kay hirap alisin. At panghabang buhay na itong tatatak sa akin.


Nung mga panahong nakatingin ka sa kawalan. Ako'y nabigyan ng pagkakataong ika'y matitigan. At sa tuwing nakikita kita sa isang sulok... bigla na lang akong kinakabahan at puso'y bumibilis ang pag tibok. Hindi ba, dapat umiiwas na ako? Nakikita ko lang sayo ang dating minahal ko kaya ako nagkakaganito. Kung dati'y wala akong kinatatakutan, ngayon meron na. Natatakot ako na baka kapag hinawakan kita, ayoko nang bumitaw pa. Natatakot akong baka tulad nya, bigla ka rin lang mawala. Natatakot akong muling maiwang mag-isa.



Alam kong nasasaktan ka sa tuwing binabanggit ko ang isa. Alam kong dinudurog ang puso mo sa tuwing naririnig mo ang pangalan nya. Alam kong may mga oras na nahihirapan ka na. Alam ko ang bawat sekretong tinatago ng iyong mga mata. Pero sana naman kapag sinabi kong mas minahal kita... paniniwalaan mo dahil yun ang mahalaga.


Nagmula ka sa mundo ng modernisasyon samantalang ako ay nasa ika-labinwalong siglo. Masobra isang daang taong pumapagitna sa dalawang tao. Tila napakalaking tanong kung bakit tayo pinagtagpo. Dumating ka ba para buuin ulit ako?



Sabay nating kinalaban ang mga espada ng orasan. Sabay tayong naglakbay sa hinaharap at nakaraan. Ngunit Adrea, itatanong ko lang... Sabay rin ba nating aabutin ang walang hanggan? O baka sa pagdating panahon, tuluyan mo na akong makakalimutan?


































AN:
Dapat kasi talaga chapter 52 na. Pero andaming pumapasok na rhymes sa utak ko hahahaha. Pagpasensyahan nyo na po.

Still, 9 more chapters bago matapos! Hindi ko pa alam kung gagawin ko bang happy ending or ewan. Open naman ako sa mga suggestions. Maraming salamat po! On the way to 6k na! Let's rock!

~EmsBaliw

A Twist In Time (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon