Ikalimampu

4.2K 111 7
                                    

|ADREA|


Halos naliligo ako sa sarili kong pawis dahil sa takot at kaba sa pwedeng gawin ng mga lalaking dumukot sa akin. Kanina pa ako sigaw ng sigaw ngunit walang akong naramdamang dumating. Hindi ko alam kung may nakabantay ba sa paligid ko dahil tinakpan nila ng blindfold ang aking mga mata at itinali ang aking mga paa't kamay.

Isa lang naman ang inaasahan kong magliligtas sa akin.

Eduardo....


Nasa'n ka na?



Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng mga yapak na papalapit sa aking kinaroroonan.


"Help me! Get me out of here! Please anyone? Tuloooooong!" Muli kong sigaw at pilit kumakawala sa pagkakatali.


"A-adrea..."


That voice.



"E-eduardo. Ikaw yan diba? D-dumating ka ba para iligtas ako?"



Hindi ako pwedeng magkamali. Si Eduardo nga!


Papalapit ng papalapit ang mga yapak sa akin ngunit tila dumarami ata ang footsteps na naririnig ko. Hindi kaya may ibang dumating?




Bigla na lamang may humila ng nakatakip sa aking mga mata.



Yung mga lalaking dumukot sa akin. Hawak na rin nila pati si Eduardo.




"Sya ba? Sya ba ang sinasabi mong magliligtas sayo? HAHAHAHAHA isang inutil. Napakalaking INUTIL. Kung hindi nya nga nagawang iligtas ang pinakamamahal nya noon, ngayon pa kaya?" Wika nung isa




"Sige na, tapusin na ninyo ang pinapagawa ng ating amo. At nang makuha na natin ang naghihintay na gantimpala. Baliin ang buto nyan! Kung pwede sana pati ang dila lagyan ninyo ng pasa!"



Walang kalaban-laban si Eduardo nang sunggaban na sya ng suntok ng iba pang nga kalalakihan. Halos madurog ang puso ko nang makitang hindi sya lumabalaban at hinahayaan nya lamang ang mga ito.




"Tama na! Tama na, tama na, tama naaaaaaa!" Nagsimula akong sumigaw dahil hindi ko na talaga matiis habang pinagmamasdan syang puro galos na ang mukha.




"Eduardo lumaban ka please! Maawa ka sa sarili mo!"



Tumigil yung isang lalaki sa pagsuntok at lumapit sa akin saka hinubad yung pagkakatali ng kamay at paa ko.



Tumigil sila sa kanilang ginagawa kay Eduardo at itinulak ito.



"Hindi na makakatayo yan. Umalis na tayo dito, at kunin ang kumikinang na yaman natin." Yaya ng isa sa mga kasamahan.


"HAHAHAHAHAHA oh, nailigtas ka ba ng pag-ibig na pinaglalaban mo?" Ani nung isa at sumipa pa bago umalis.


Parang nanginginig yung tuhod ko habang papalapit ako kay Eduardo. Sht. Sa sobrang dami ng natamo nyang pasa, halos di ko na sya makilala.



Hinawakan ko ang kanyang pisngi at nagsimulang humagulgol.

"Gag* ka talaga eh. Alam kong kaya mo silang lahat pero bakit hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo? Bakit hinayaan mo silang pahirapan ka? Bakit hindi ka lumabaaaan?"




"A-adrea...kapag ginagawa kong lumaban.... i-ikaw....ang masasaktan. At yon ang hindi ko hahayaan."



Yon ang mga salitang kanyang binitiwan bago pa man nya tuluyang naipasuot ang kwintas. Akma nya akong itulak ngunit kumapit ako sa braso nya at hinablot ko ang kwintas sa aking leeg.




"Ano ba'ng pinaplano mo? Gusto mong bumalik ako sa panahon ko ng mag isa, ano?" Automatic kong nasabi matapos marealized na sa tuwing pumupunta kami sa year 2018, humahawak sya sa aking mga kamay.


"A-adrea... sa ngayon hindi ka... hindi ka muna pwedeng manatili dito. B-baka... baka bumalik na naman sya..." Kahit nahihirapan ay pinipilit nya paring magsalita.





"Kapag mananatili ako dito, choice ko yon. At kung babalik ako sa panahon ko, dapat sumama ka. Kung mag-isa akong aalis, hindi nalang. Dito nalang ako."





"Adrea... hindi mo— hindi mo naiintindihan. Hindi mo pa alam ang lahat."




"Ang alin? Ano ang hindi ko pa alam, Eduardo? Sabihin mo na nang magkaalaman na tayo." Lalo pang bumuhos ang aking luha.


"Adrea... sa tuwing bumabalik ka sa panahon mo na kasama ako... unti-unting natutunaw ang kwintas na suot mo... at humihina rin ang taglay nitong kapangyarihan... At kapag dumating ang panahon na maputol iyan, mawawala lahat ng alaala mo sa akin..... Gigising ka ng hindi mo alam na nakilala mo ako. Mabubura ako sa iyong isipan. Tuluyan mo na akong makakalimutan...."































AN: oraaaaayt! 80 hours of OJT's DONE! WELCOME BACK, WATTPAD! Sorry sa typo hahaha. Bulag na yung lola nyo. Masyadong nabulag sa pag-ibig.

Saka baka susulat ako ng another story na OJT Experience inspired HAHAHAHAHA support meh :) Lavyuuuu pipoool ♥

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now