Ikalabing-apat

6.7K 186 59
                                    

"Hindi mo ata ginagalaw ang mga pagkain, Binibini."

Banggit ni Belen nang mapansing hindi ko manlang tinikman ang mga pagkaing inihanda nya.

"Wala akong gana."


Walang anu-ano'y tumunog ang sikmura ko. Damn!

"Gutom kana. Kaya kumain ka." Si Eduardo naman ang nagsalita.

Tsk. Wala akong choice. Masyado nang halata na gutom ako.

"Ipagtimpla mo sya ng tsaa, Belen."

"Masusunod po."

"Kailangan mong alagaan ang sarili mo habang naririto ka. Hindi ka pwedeng magkasakit."


Hindi ko sya pinansin. Sa halip, nagpatuloy ako sa pagsubo.

"Mukhang sarap na sarap ka ata sa pagkain, Binibini. Alam mo bang karne yan ng mga dagang bukid?"

Halos ibuga ko sa mukha nya ang pagkain matapos nyang sabihin yon.

"Nagbibiro lang ako, Binibini. Manok yan." At tumawa pa sya.


"Nakakatawa yun ha? Nakakatawa yun?" Pilit ko pa sya sanang hampasin ng tinidor.

"Ngayon ang kaarawan ng anak ng alcalde mayor. Mamayang gabi ang kasiyahan sa mansyon nila ."

Tinaasan ko sya ng kilay. Eh ano naman ngayon? Share mo lang?


"Imbitado ako, at ISASAMA KITA." Dagdag nya.

"Hindi ako interesado. Dito nalang ako, sasamahan ko nalang dito si Belen."

"Pasensya kana ngunit uuwi sa kanila mamayang hapon si Belen."

"Tssss.  Oo na, sasama na." At nagpatuloy ako sa pagkain.

"Sigurado akong matutuwa ka doon. Maraming mas masasarap na pagkain."

"MUKHA BA AKONG PATAY-GUTOM? HA?"

"Hindi naman yan ang ibig kong sabihin Binibini. Marami kapang matitikman na masasarap, na wala sa panahon mo."

"Mas masarap parin ang TURKS."

"Yung kay Papa mo?"

"HINDI KO NGA PAPA SI PIOLO OKAY?" Sa sobrang inis eh tinapos ko nalang ang pagkain ko at tumayo.

Buti naman at hindi na nya ako sinundan. Nagpahangin nalang ako sa terasa.


"Binibini eto na po ang iyong tsaa." Inilapag ni Belen ang tasa sa harap ko.

"Salamat, Belen. Iwan mo na muna ako dito. Hindi naman ako tatakas."


Tumango na lang sya at umalis.

Ughh.


Ang sakit pa rin ng ulo ko. Gaano ba karami ang nainom ko kagabi? Saka......... ugh! Ako pa yung nakainom ng pampatulog na para sana kay Eduardo.

Napapikit ako. Inhale, exhale. You'll be fine, Adrea. You'll be fine.


I opened my eyes and looked around.

Pinapalibutan ng mga sunflower ang mansyon. Sa bandang likod, may tulay at sa dulo no'n ay ang mga nakahelerang puno ng mangga.

"Ang ganda." Usal ko nang nakangiti.

"Napakaganda."

Nagulat ako nang may sumulpot na pungpong ng sunflower sa aking harapan.

"Hindi mo ba tatanggapin, Binibini?" Tiniis ko ang kati para lang mapitas ang mga ito."

Wala akong nagawa kundi tanggapin nga iyon. I always have no choice pagdating sa kanya.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat?"

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Kusa mo itong binigay sa akin. At higit sa lahat, hindi kita inutusan."

"Mmmm, sige. Kung hindi ka magpapasalamat...... Uhmmmmmm."


Tila nag-iisip pa sya.

"Halik nalang."

Natawa ako bigla.

At sinuntok sya sa ilong.


"MANYAK."

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now