Ika-apatnapu't Tatlo

4.7K 126 47
                                    


|ADREA|

"S-s-stop." Sa wakas ay nakahugot ako ng lakas ng loob para itulak sya palayo.



"Magkaiba kasi ang IKUWENTO sa ISABUHAY, Eduardo." Dagdag ko pa at napakamot na lang.

"P-pasensya na, Binibini. Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko sa tuwing nakikita kita."



"Then maybe it's a sign that you should go back."

Saglit syang nanahimik habang nakatingin sa aking mga mata. Pero alam ko na naintindihan nya ang mga sinabi ko.

"Hays. Kung gusto mo talaga dito, bumalik ka na muna sa hotel. Pupuntahan na lang kita bukas." Tinalikuran ko na sya.

"Adrea."

Hearing him calling my name makes my heart beats faster.

Lumingon ako.

"Magkikita pa tayo, hindi ba?" Nag-aalala nyang tanong.

"Of course. Bukas pagkagising ko, pupuntahan agad kita. Sa ngayon, magpahinga muna tayo. Saka... yung mga nangyari. Wag kang mag-alala dahil hindi ko naman yon pag-iisipan ng kung anu-ano. Alam ko namang hindi mo pa masyadong naiintindihan ang mga bagay-bagay dito sa mundong ginagalawan ko." Talaga ba Adrea? Talaga bang wala lang lahat ng yon?

"Mangako ka, Binibini."

I took a deep breath and raise my right hand.

"Promise."

He finally gave his cutest smile and walk away. Hanggang tuluyan na syang nawala sa paningin ko.

Wait.

Did I just say C U T E S T? Ugh.

Don't fell for it, Adrea.


"Apo, andito ka lang pala." Halos humiwalay ang aking kaluluwa sa katawan ko nang magsalita si Lola mula sa aking likuran. Buti na lang talaga at hindi nya naabutan si Eduardo.

"L-lola." Nagmano ako sa kanya.

"Maraming lamok dito sa labas, Iha. Bakit nandito ka pa?" Ani nya at inayos pa ang buhok ko na nakatakip ng bahagya sa aking pisngi.

"A-ah. Nag-n-nagpapapahangin lang po. Kakatapos ko lang kasing maligo eh. Kayo po? Bakit hanggang ngayon buhay—— este gising pa rin kayo?"

Humawak sya sa aking braso at dahan-dahan kaming naupo.

"L-lola. May itatanong pala ako. T-totoo bang magkamukha kami ni... ni Adriana?"

May kinapa sya sa kanyang leeg.

Doon ko napansin ang isang kwintas na katamtaman lang ang laki ng pendant na hugis oblong. Binuksan nya iyon at inilapit sa akin.

"Ito ang kaisa-isang larawan na iniwan nya sa akin, apo."

Maigi ko ring kinilatis ang nasa litrato. Kahit medyo luma na iyon, hindi pa rin kumukupas. Halatang inaalagan ng mabuti.

And.

Yung picture na nasa necklace ni Lola.

Pareho sa painting na nasa mansyon ni Eduardo sa 18th century.

Kamukha ko nga talaga.


"Nakikita ko sya sa'yo, Adrea. Magkamukhang-magkamukha nga kayo."

"S-si... si Eduardo po ba? May larawan ba syang naipakita sa inyo?"


Umiling si Lola.

And that made me forget all my worries.

Walang nakakakilala kay Eduardo sa panahon na to.

"Isang araw ka pa lang sa lugar na 'yan Adrea ha. Baka bukas makalawa magiging ninang na ako."

It's already 11pm pero magkausap pa rin kami ni Lexie sa cellphone.


"Stop driving into conclusions lalong lalo na kapag wala ka naman talagang sasakyan, Lexie. You're supposed to back me up, okay?"


"Gosh, sinasabi ko lang naman ang mga posibleng mangyari, Adrea Coreen. Saka... akala ko ba choosy ka pagdating sa boys? Well then... pa'no nangyaring naka-dalawang tuka na sya sayo?"


"I... I don't know! Ang alam ko lang... ugh. I hate to say it but I like it, b*tch."


"Goodness gracious. ARE YOU SERIOUS ADREA? How old was that guy? What's his complete name? H-his address? Foot size?"



"Lexie..."


"Parang hindi na ikaw ang bitter na Adrea na nakilala ko. Alam mo yun?"

"If I tell you the whole story... maniniwala ka ba?"


"Mmm. Go ahead, tell me."


"Nakabalik ako sa past, Lexie! At doon ko nakilala si Eduardo."



Narinig ko ang malalim nyang paghinga sa kabilang linya.


"I think you're tired. Matulog ka na, Adrea. Baka sa panaginip mo, mapaniwala mo na ako. Good night b*tch. Love you."



She hang up.

Huhuhu bakit ba kasi hindi sya naniniwala sakin?



March 22, 2018

9:15 am.






"Adrea... Adrea."



Nahimasmasan ako nang makarinig ng sunud-sunod na katok sa pinto.



"Adrea ano'ng oras na. Someone's looking for you downstairs." Tinig yon ni Kuya.



"Mmm. Susunod na ako." Tinakpan ko ng unan aking mukha.


10 minutes later...

Pababa na ako sa sala ngunit ramdam ko pa rin ang antok.  Hikab pa rin ako ng hikab.




"Masama pag hintayin ang bisita, Adrea. Kanina pa gutom itong si Eduard pero wala naman akong magagawa dahil hihintayin ka raw nyang magising." Salubong naman ni Mama at... oh my am I still dreaming?


Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para masiguro na gising na nga ba talaga ako.

And yes I'm awake! Pero totoong nasa harapan ko rin si Eduardo.

Tumayo sya nang makita ako.


He suddenly raised his middle in front of us.


"MAGANDANG ARAW SA LAHAT."






Sh*t. Bakit nya ginagaya lahat ng mga bagay na nakikita sya sa panahon na to?












A|N.
Yo, sorry sa late update lalo na sa mga nag-aabang. HAHAHAHAHAHAHAHA as if meron XD
Thank you sa mga patuloy na nag-aadd nito sa kani-kanilang reading lists! Lovelots ♥

~emsbaliw.

A Twist In Time (EDITING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt