Ikatatlumpu't Lima

5K 153 24
                                    

Yeyyyy happy 1k reads A Twist in Time! Dahil jan may pa-coke ako! HAHAHAHAHA Thankyou so much sa lahat ng mga patuloy na naghihintay sa bawat updates at sa mga nag-aadd sa kani-kanilang reading list. Nakakakilig po yieeeeee <3 Eduardo loves you all ♥






|EDUARDO|

Nagising ang aking diwa nang maramdaman kong may gumagalaw sa aking tabi.

Doon ko na lang nakita si Adrea na masakit ang tingin sa akin.


"G-gising kana pala, Binibini. Kumusta na ang iyong pakiramdam?"

"Wag mo akong ikamusta-kamusta dyan ah! Ano'ng ginawa mo sakin ha? Yung kagabi.......... ang yakap........ Waaaaaaaaaaa!" Dinampot nya ang lahat ng kanyang pwedeng damputin at ibinato sa akin.


"Teka teka! Kalma lang Binibini."

"Paano ako kakalma ha? May lagnat ako oo pero hindi ako nagka-amnesia! Wala akong amnesia! At naalala ko ang ginawa mo sa akin kagabi! Pinagsasamantalahan mo ata ang karamdaman ko. Niyakap mo ako iiiiih! Chansing yon iiiiih!"

Patuloy ang paghahampas nya sa akin ng unan. Kaya wala akong ibang paraan na naisip kundi.......

Isiksik ang katawan sa bakanteng aparador.




"Manyaaaak lumabas ka riyan!" Kinakalabog nya ang pintuan ng pinagtataguan ko. Panay naman ang aking pagtawa sa loob.


"Mali ang iniisip mo, Binibini. Akala ko kasi gagaan ang pakiramdam mo kapag ginawa ko yon. Pinatahan lang naman kita." Depensa ko sa aking sarili.



"Hindi ka lalabas dyan ah! Aalugin ko 'tong aparador na 'to hangga't bumagsak at maipit ka!"


Awtomatiko akong lumabas.


"Eto na nga. Lumabas na."

"Ulitin mo pa yun ah! Puputulin ko na talaga yang.........


Napatigil sya sa pagsasalita at tinitigan ako ng masama.


"....... puputulin ko ang kaligayan mo. Labas!"


Inis na inis pa nyang itinuro ang pintuan.


Ewan ko ba at dinala rin ako ng aking nga paa palabas.


"Ginoong Eduardo."


Nadatnan ko si Belen sa sala. Nang makalapit na ako sa kanya, may iniabot syang sobre.


"Dumaan rito kanina si Senior Gustavo, ang guro mo sa wikang Ingles. Hindi na namin kayo ginising dahil mukhang himbing na himbing kayo."


"Salamat kung gano'n, Belen. Sa tingin ko, tungkol ito sa mga natitirang leksyon na ituturo palang nya."

"Bakit nyo nga pala gustong matuto ng Ingles, Ginoo?"


Napangiti na lang ako nang maalala ko ang dahilan.

Iniwan ko na lang si Belen at pumasok na ako sa aking silid.

Napatingin ako sa puting pader kung saan nakasabit ang larawan ni Adriana na naipinta ko noon.

Ang kaniyang ngiti.

Sana hanggang ngayon, ganyan pa rin kaganda ang kanyang mga ngiti kahit wala na ako sa tabi nya. Kahit hindi na ako ang nasa tabi nya. Kahit iba na ang pinupusuan nya.



Huminga na lang ako ng malalim at tumuloy na sa banyo..

×

TOK-TOK-TOK-TOK-TOK......



Saktong-sakto. Kakatapos ko lang bumihis nang may kumatok sa pinto. Nang buksan ko......

"Oh, bakit nakabihis ka?" Si Leticia, isa sa aking mga kababata na lumaki sa Europa.


"May pupuntahan lang ako. Pero, babalik din ako kaagad."

"Sasama ako sandali lang!" Umakma syang bumalik sa kanyang silid ngunit pinigilan ko sya.

"Wag na nga. Kung gusto mo, mamasyal kayo mamaya. Magpasama ka kay Belen."

Huminga sya ng malalim bago nagsalita ulit.

"Wag na lang. Inaabala mo pa yung tao eh. Dito na lang ako, ayos lang. Umalis ka na."

Ilang taon na rin simula noong nagkalayo kami ni Leticia. Ngunit hindi pa rin sya nagbabago. Sya parin ang kaibigan kong kunwari nagtatampo pero hindi naman pala.


"Aalis na ako, Belen. Ikaw na ang bahala."









"Bakit nyo nga pala gustong matuto ng Ingles, Ginoo?"



Dahil gusto kong malaman ang lahat ng kahulugan ng mga salita sa panahong pinanggalingan ni Adrea.

GUSTO KONG SUMAMA SA KANYA PABALIK SA HINAHARAP.




~itutuloy.

A Twist In Time (EDITING)Where stories live. Discover now