"Teachers and Supreme Student Government Members lang ang kasama doon." wika niya.

"Para saan ba ang meeting?" filling the dead air between us.

"About sa upcoming Acquaintance Party daw." aniya.

"Oo nga pala no? Last week na ng august iyon." excited kunwari.

Nagpanggap na rin akong may hinahanap sa paligid para hindi siya magduda. Alas cinco y media na at wala pa rin kaming mahanap. Himala na kung meron.

"Are you sure na dito mo nawala?" pagod na si Ewan.

"Yata?" hindi ako sigurado.

"Gaano ba kahalaga iyon?"

"May sentimental value kasi iyon."

"Sino ba ang nagbigay? Ex mo?" tanong niya.

"La?! Wala kaya akong naging Ex." defensive kong sagot.

"Akala ko yung Armie naging boyfriend mo." pilit niya.

"Hindi ah." mahinang sabi ko.

I become sad when I hear Armie's name. Masakit pa rin pala sa akin ang pagkawala niya. Hayz.

"Sorry." sabi niya nang makitang nalungkot ako.

"Hindi na siguro natin makikita iyon. Tara na?" yaya ko sa kaniya na umuwi. Pag-iiba ko lang ng topic.

"Sigurado ka?"

"Oo, gagabi na din."

At itinigil na nga namin ang paghahanap ng kunwaring nawawalang bracelet ko. Nakapark sa gilid ng kalsada ang kotse ni Ewan. Dinala pala niya ito. Tumungo kami dito at pumasok.

"Paano mo pala ako nasundan?" tanong ko habang pinapa-start niya ang kotse.

"Nakita kasi kitang lumabas ng school at sumakay sa tricycle," nakastart na ang engine. "sinundan ko ito ngunit nagtaka ako kung bakit hindi ito papunta sa direksyon ng bahay niyo." paliwanag niya.

"Kaya pala." ani ko.

Umandar na ang kotse. Habang sa byahe ay wala kaming kibuan ni Ewan. Una siyang kumibo nang huminto na kami sa harap ng bahay.

"M-May sinabi ba si Mama mo?" nahihiyang sabi nito.

Hindi na kailangang sabihin ni Mama dahil narinig ko naman din kanina. Ito na iyong topic na naiilang akong pag-usapan.

Bumuntong hininga ako.

"Wala siyang sinabi," parang nabunutan siya ng kaba. "pero alam ko na." balik kaba ang mukha niya.

Napanganga siya na parang nagtatanong kaya sinagot ko na lang ito.

"Narinig ko ang usapan ninyo kaninang umaga," I smiled. "Gising na ako that time, ang tungkol sa ligaw ligaw ba?" tanong ko.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now