May narinig akong nag-uusap pagkababa ko kaya nagdahan-dahan lang ako. May kausap si Mama sa may kusina. Boses ito ni... Ewan? Ang aga naman niyang pumunta dito.

"...nong ipagpapaalam mo?" rinig kong sabi ni Mama.

Makikisali na sana ako sa kanilang usapan kaso nagulat ako sa sinabi ni Ewan.

"Gusto ko sanang ligawan ang anak niyo." diretsong sabi niya.

Napadikit ako sa likod ng dingding ng kusina. Tama ba ang narinig ko? Napansin kong natigilan si Mama sa kung anumang ginagawa niya. Ilang segundo ang lumipas ng makapagsalita siya.

"Bakit mo naisipan iyan?" tanong niya.

There is a slight pause.

"Matapos na mawala si Flex ay natauhan ako na gusto ko na siya." sinserong sabi ni Ewan.

"Baka paghanga lang iyan Ewan? Baka nabibigla ka lang?" pilit ni Mama.

"Alam kong bago pa lang kami magkakilala ni Flex pero sapat na iyon Mrs. Cecilio para masabing gusto ko nga siya. Gusto ko siyang ingatan para hindi na muling mangyari pa ang mga nangyari. Gusto kong ako ang tagapagtanggol niya." paliwanag niya.

Akala ko kaibigan lang ang turing niya sa akin. Alam kong guwapo itong si Ewan pero ko kaya ko bang ibigay ang gusto niya? Handa ba akong maging girlfriend niya?

"Kung papayag si Flex na ligawan mo siya ay payag na din ako. Wala naman akong magagawa kung gusto ka rin niya." ani Mama.

Gusto ko nga ba siya? O hanggang kaibigan lang talaga?

Naguguluhan na ako ngayon. Ayokong masaktan si Ewan at lalong ayaw ko na masira ang friendship namin. He is so nice to be hurt by me. Hindi niya deserve iyon.

Umakyat muli ako sa kwarto ko. Gising na si Stephen nang makapasok ako sa loob. Kinukusot-kusot pa niya ang mga mata niya.

"Anong problema Ate?" nagulat ako sa tanong niya.

"W-wala naman Steph." ngiti ko. "may nakalimutan lang akong kunin." sabay punta sa drawer ko at kunwaring may kinuha.

Bumuntong hininga ako at umupo sa tabi ng kapatid ko. May papagawa ako sa kanya.

"Steph?" ani ko.

"Bakit Ate?" aniya.

"Pwede ba ako humingi ng favor sa iyo?" humawak ako sa kamay niya, tumango siya. "pwede mo bang sabihin kay Mama kapag bumaba ka na Second Period na lang ako papasok?" blanko ang reaksiyon niya.

"Bakit naman?" Aniya.

"Napagod ako bigla." ngiti ko.

"Okay Ate." sabi niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Salamat! Bumaba kana at mag-agahan ka na." utos ko kaya bumaba na siya.

Pumuwesto ako sa hagdan at pinakinggan ang deskusiyon nila. Naririto pa rin si Ewan.

"O gising ka na pala?" bungad ni Mama kay Steph. "si Ate mo?"

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now