HULING GABI

26 0 0
                                    

Bago matapos ang gabing ito.
Hayaan mong ipaalala ko sa iyo, hindi ang mga luha at pagkabigong dulot mo.
Hindi ang mga nilimot mong pangako.
Hayaan mong ipaalala ko sa iyo.
Maglalaan ako ng ilang segundo o minuto.
"Mas makabubuti kung maging magkaibigan na lamang tayo."
Ngunit paano?
Kung sa bawat sandali na naririnig ko ang iyong pangalan ay bumabalik ang nakaraan?
Paano kung sa bawat saglit ay napapatitig pa rin ako sa iyong larawan.
Paumanhin.
Hindi ko ito mabubuo na walang siphayo.
"Mas mabuti pa ngang maging magkaibigan tayo."
Hindi na maaari.
Takot na akong muling magkamali.
Hindi ko hawak ang aking puso.
Ni hindi madiktahan na limutin na ang pag-ibig mo.
"Mas mabuti pa kung lilimutin mo na lamang ako."
At tatapusin ko ito bago matapos itong gabi.
Wawakasan kasabay ng aking pighati.
At tatapusin ko ito na hindi na ikaw ang iisipin.
Sa pagpikit ng mga mata'y hindi na ikaw ang hahanapin.
At tatapusin ko ito.
Na walang kirot sa aking damdamin.
Tapos na.

Sa Likod Ng Mga TugmaWhere stories live. Discover now