;

25 1 0
                                    

Pluma, ngayon mo gamitin ang iyong husay!
Lumikha ka ng dalawang pusong hindi maghihiwalay,
Ng tahanang kahit anong lakas ng bagyo ay hindi matatangay.
Kailangan ko ng totoong hiwaga sa gitna ng pagkapit at pagbitaw,
Ng pag-asa sa pagitan ng paglaban at pag-ayaw.
Ngayon mo gamitin ang iyong tapang!
Padaluyin ang tinta na parang isang baha upang linggatong ay anurin doon sa karagatan.
Tumipa ng mga letrang bubuo sa hangganan.
Sumulat ng mga salitang makadadaig sa katagang paalam.

Sa Likod Ng Mga TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon