HANGGANG ALAALA NA LANG

46 2 2
                                    

Mahal pa kita.
Kung iniisip mong nakalimutan ko na ang mga pangakong binitawan ko sa harap mo, nagkakamali ka.
Mahal pa rin kita.
Simula sa pagpikit ng aking mga mata,naroon ka at nanahan sa bawat segundo na magkasama tayong dalawa.
Hinahanap pa rin kita, sa bawat hakbang na ginagawa ng aking mga paa, sinusundan ko ang mga bakas mo kung saan man ito papunta.
Umiindayog ang aking mga kamay at naghahanap ng mga palad mong nagpapainit sa nanlalamig kong kaluluwa.
Mahal pa rin kita,
Ngunit iba na, hindi na ito pagmamahal na katulad ng nasimulan nating dalawa.
Wala na ang hugis mo at ang tanging naiwan na lamang ay mga alaala.
Ang tamis ng iyong halik sa aking mga labi ang nagsisilbi kong himpilan sa gitna ng aking pag-iisa.
Mahal pa rin kita, hanap pa rin kita ngunit hanggang dito na lamang sa mga alaala.
Sa gabing mahalumigmig, yakap mo ang binabalikan ko't ipinapanangga sa lamig.
Mahal pa rin kita, subalit alaala na lang ang namamagitan sa parehong puso na dumanas nang labis na lungkot at pangungulila.
Mahal pa rin kita.
Palaging dumadalaw sa kapayapaan ng aking paghimbing, humihiling na ibalik ang ating lambing, subalit iba na ngayon ang iyong kapiling.
Isa na lamang itong hiling na hindi na maaari pang tuparin, na kahit ano pang tibay ng iyong panalangin ay hindi na diringgin.
Tadhana na ang nagtakda ng hanggan natin.
Isa ka na lamang sa mga bituing tinitingala ko sa gabi at binubulungan ko ng mga hinaing.
Mahal pa rin kita subalit hanggang doon na lamang maaring magtagpo sa tagpuan ng ating mga alaala.
Kung patuloy man akong magpapabihag sa ating nakaraan ay ikaw rin ang mahihirapan, hindi mo ako makakalimutan kung hanggang ngayo'y nanaisin ko pa rin na ikaw ay aking mahagkan.
Kaya tatandaan mo na lamang na mahal pa rin kita, mahal ko pa rin ang ating mga alaala.

Sa Likod Ng Mga TugmaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora