"MALAPIT NA PALA"

39 2 0
                                    

Nabalitaan ko
Malapit ka na palang ikasal
Nakakatuwa
Parang kailan lang noong nangarap tayong dalawa
"Ihaharap kita sa altar, pangako yan mahal"
At magaganap na nga
Hindi na ako makapaghintay
Maaari bang pabilisin ang takbo ng oras
Maaari bang sumapit na agad ang bukas
At bukas, ay iba na ang mga mundo natin
Mahal, ang sandaling iyon ay hindi ko lilimutin
Itatago ko ang bawat alaala at hindi sasayangin
Mahal, malapit na pala ang iyong kasal
Hindi na ako makapaghintay
Nais ko ng makita kang nakakurbata
Nakasuot ng makintab na sapatos kapares ng amerikana
Mahal malapit na pala ang iyong kasal
Hindi na ako makapaghintay
Na makita ka sa harap ng altar
Mahal hindi na ako makapaghintay
Na makita kang naglalakad patungo sa harap ng simbahan
Kasama ang iyong mga magulang
Kasunod ng malalapit mong mga kaibigan
Mahal hindi na ako makapaghintay
Na sabuyan ng mga petalya ng pulang rosas
Aawitan ng koro nang buong sigla at lakas
At hindi na ako makapaghintay
Na makita ang pagpatak ng iyong mga luha dahil sa kasiyahan
Hindi na ako makapaghintay na manlamig ang aking mga kamay
Hindi na ako makapaghintay na sayo ako ay kumaway
Hindi na ako makapaghintay na ialay sayo ang huling silay
Mahal hindi ko na mahihintay
At hindi na maghihintay na masaksihan ang paglapat ng inyong mga labi
Hindi na maghihintay na lungkot ang sa aki'y mamutawi
Hindi na ako maghihintay na maging akin kang muli
Ayo'kong makita ka at siya na pinagsasaluhan ang sakramento
Hindi dapat kayo ang haharap kay Kristo
Hindi dapat kayo
Mahal...
Malapit ka na palang ikasal
Sa babaeng pumalit sa akin sa iyong buhay
Malapit na pala kayong ikasal.

Sa Likod Ng Mga TugmaWhere stories live. Discover now