Bakit, Pilipino?

111 3 0
                                    

Ako ay Pilipino, ngunit hindi Pilipinas ang bayang nais ko.
Dito'y walang malamig na niyebe,
ang mayroon lang ay tres-pesos na yelo.
Ayaw ko sa bayan ko't mga kapwa Pilipino,
Sila'y anak-araw at laki lamang sa kanto.
Bakit, Pilipino?
Saan napadpad ang pag-ibig sa bayang pangako?
Tinangay na rin ba ng malakas na bagyo?
O muli lang tayong nagpaalipin sa mga baguhang dayo?
Ako ay Pilipino.
Isang bansa't 'sang diwa ang minimithi ko.
Ngunit ito'y mithiin lamang, at mas nais pa rin ng bansang mayaman.
Mas higit pa rin ang paghanga sa ibang bayan, at sariling ina ay pinababayaan.
Ikinakahiya ang kulay kayumanggi,
mas nais ang namumula o kaya nama'y puti.
Hindi ito paninisi.
Ni hindi rin pagduwagi.
Isa rin ako sa 'mamayang Pilipino, ngunit mahal ko ang bayan ko.
Filipino ang wikang alam dahil hindi ako kano.
At ikaw, na bagong usbong pa lamang, kilalanin muna ang sarili bago lumabas sa hangganan.
Sipatin ang namamayaning laban para sa tunay na kaunlaran.
Makiisa sa ibang kabataan na hangari'y pang-makabayan.
Sa bayan ko't bandila
Laan buhay ko't diwa.
Pilipino, sama-sama tayong manumpa—
Na iibigin ang kinagisnang bansa, ang wika, at maging sinaunang kultura.
Ako at ikaw ay bayani na magtataguyod ng pagkakaisa.
Ngunit bakit mas ninanais mong gamitin ang wika ng iba?
Malalim ang Filipino, ika nga nila,
Ngunit mas malalim kung ika'y magpapakalunod sa wikang banyaga at sa sarili'y mangmang pa.
Walang masama sa bagong ideya.
Hindi ito panghuhusga.
O pananamantala ng kahinaan ng iba.
Subalit dilat ang aking mga mata,
Matalas ang pandinig ng aking mga tainga.
Manhid man sa nakaraang pag-ibig ngunit humihinga pa,
Nakakalanghap pa rin ng alimuong ng pagiging makabanyaga.
Mga paa'y nakatapak pa rin sa tigang na lupa.
Tigang hindi lamang ang lupa,
Mas tigang na ang sinasabing pakikibaka.
Sabay-sabay tayong mangako;
Ako ay Pilipino,
Taas noo, kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.

---
______________________________________
Minsan ba'y naitanong mo na sa sarili ang;
"Bakit Pilipino?"
"Bakit binabalewala mo ang sariling iyo?"

Sa Likod Ng Mga TugmaWhere stories live. Discover now