Isigaw mo ang katotohanang nakakubli sa iyong kalooban
Pakawalan sa kapayapaan ng gabi ang bigat na pinapasan
Pumalahaw ka hanggang sa ikaw ay mapakinggan
Sumigaw at huwag huminto sa paglabanSilang mga nasa itaas ay huwag mong katakutan
Mga ganid lamang na pantas ang mga taong iyan
Sa salapi'y nais paalipin at gatasan ang bayan
Mga hayok sa papuri't naghahari-harianHuwag mo silang sambahin at pagluhuran
Sila'y hindi Panginoon na dapat mong papurihan
Puti man ang magagara nilang kasuotan
Ngunit hindi maikakaila na marumi ang tinatabunanTaumbayan, huwag kang pagagapi sa kamay na bakal
Mga mata'y imulat, bibig ay hayaang umusal
Huwag kang pasasakop sa mga taong hangal
Ika'y hindi alagad ng namumunong banalSa tindig man nila ika'y humahanga
Madaling maakit sa mga salita
Subukan mong balikan ang mga pangako nila
Plataporma't mga proyekto, nagawa nga kaya?Hindi ka bulag, pipe at inutil na bingi
Huwag ka sanang magpapalunod sa tubig na hanggang binti
Kung makita mo man silang nakangiti sa lente
Maniwala ka sa akin, bahagi lang iyon ng kanilang pag-arteHuwag mong tutularan ang kanilang istilo
Kung magsuot ng barong akala mo'y Pilipino
Ngunit kung mangusap daig pa ang kano
Ito ba ang mukha ng tinatawag na pinuno?Sila ang mga mukha ng mukhang walang mukha
Katulad ng kasintahan mo, magaling lang mambola
Mahusay pumili ng magarang maskara
At haharap sa madla na parang inosenteng bata
![](https://img.wattpad.com/cover/100461220-288-k987577.jpg)