BAKA SAKALI

38 2 0
                                    

Kapag sumapit ang araw na handa na akong magmahal, baka sakaling muling magtagpo ang ating mga landas.
Ito ang parati kong hiling sa Itaas, na kung hindi man naging tayo noon ay baka pwedeng bukas.
Baka sakaling tayo'y magkabangga habang nagmamadaling sumilong dahil ang ulan ay malakas.
Baka sakaling mahanap ko at masundan ang iniwan mong mga bakas---
Ng kahapon na minsang naging sandalan natin kapag wala nang lakas.
At kapag nangyari lahat ng ito, mangangako ako.
Hindi na kita palalayain sa aking puso.
Ikakadena at igagapos ang mga paa mo at pulso.
Lilikha ako ng bilangguan na kung saan ay sabay tayong bubuo---
Ng mga alaala na kahit ilang libong taon pa ang lumipas ay hinding-hindi maglalaho.
Yayakapin kita sa aking mga bisig hanggang sa maramdaman mo ang tunay at mainit kong pag-ibig.
Hahamunin ko ang buong daigdig,
makikipagbuno ako sa ingay ng paligid hanggang sa ang mga tibok ng pusong minsan mo nang dinurog ay muling marinig---
Ang mahal kita at mamahalin kita hanggang sa magpantay ang aking mga paa.
Mamahalin kita, hanggang sa huling patak ng aking mga luha.
Mamahalin kita, ilang ulit mo mang ipinaramdam sa akin na wala na tayong pag-asa.
Mamahalin pa rin kita, maging hangal man ako at paulit-ulit na magdusa.
Magbabakasakali na balang araw ay muli kitang makasama.
Baka sakaling muli kitang makita.
Kapag ang araw ay sumikat sa silangan.
Magbabakasakali na muli kang matagpuan kapag ang araw ay dahan-dahan nang lumulubog sa kanluran.
Baka sakaling doon kita mahagilap sa gitna ng malakas na alimpuyo ng kalawakan.
Maghihintay pa rin ako at aasa sa pagbabakasakaling muling maibalik ang dati nating pagmamahalan.
Baka sakali lang naman.

Sa Likod Ng Mga TugmaWhere stories live. Discover now