KUNG MAGKITA MAN TAYONG MULI

58 2 0
                                    

  Matagal na panahon na ang dumaan

Wari ko'y mga labinlimang buwan—noong ako'y iyong iniwan
Kaya't kung magkikita tayong muli
Hindi naman sa nagbabakasakali
O nais pa na muli kang manatili
Pero kung sakali ka lang na magtagpo ang ating mga landas
Pakiusap.
Pakiusap.
Huwag mo akong susulyapan
Ang mga mata, kung maaari'y ipikit na lamang
Ayo'kong makita mo ang sakit na aking pinagdaanan
Ang mga bakas ng luha noong ika'y lumisan
Mga ngiti'y iyong pigilan at huwag pakakawalan
Ang iyong mga labi—
Hindi ko na nais pang balikan ang lasa ng iyong kataksilan
Hindi ko na nais pang malinlang ng mga ngiting hindi lang sa akin nakalaan
Ang iyong mga paa, ihakbang kung saan ang iyong tungo
Lumakad ka palayo!
Lumayo.
Takot na akong maging kasama mo sa iyong paglalakbay,
na kapag napagod na ay agad bibitaw sa aking mga kamay.
Kung sakaling tayo'y magkasalubong sa gitna ng daan,
huwag mong tatawagin ang aking pangalan.
Pagod na akong lumingon sa taong hindi ako kailangan.
Tayo man ay magkabangga,
humingi ka na lang ng tawad, pagkatapos ay lumisan na.
Huwag kang bibigkas ng kahit anong salita
O ng kahit "kumusta ka na pala?"
Huwag ka nang magbitiw ng mga kataga,
katulad nang biglaan mong pagkawala.
Kung magkikita man tayong hindi sadya.
Magkunwari ka na lang na hindi mo na ako kilala.  

Sa Likod Ng Mga TugmaWhere stories live. Discover now