BAKIT AKO?

63 1 0
                                    

Nang sumapit ako sa anim na taon,
Nagsimula na ang magulong takbo ng panahon.
Madalas na ang aking pagkakadapa, madalas ay nahihirapan na sa pagbangon.
Daig ko pa ang isang bangka na sumadsad sa batuhan at hindi na makaahon.
Isa na rin ako sa mga punong nawalan ng lakas at nalagas ang mga dahon.
Nilayuan ng mga ibon dahil sa dinanas na kahapon.
Kaya't madalas na napapatanong, bakit ako?
Bakit nga ba ako?
Bakit ako pa ang kailangang tangayin ng alimpuyo?
Bakit ako pa ang kailangang wasakin ng maraming bagyo?
Bakit ako?
Ang dalampasigang dinadalaw lamang ng dagat sa tuwing malakas ang daluyong nito.
Hindi naman ako bato sa buhanginan na maaaring palaging nilalakbayan, tinatapakan at kung minsa'y niluluray.
Hindi rin ako isang paliparan na ginawa upang maging saksi sa maraming paalam.
Minsa'y nais kong sabihin kay inay;
"Ibalik mo na lamang ako sa iyong sinapupunan."
Dahil doo'y mas mainit ang yakap na mararamdaman.
Mas buo ang pagmamahal at ako'y iingatan.
"Ibalik mo na lang ako sa aking pinagmulan."
Doon sa tinatawag na kawalan.
Sa pook na hindi ako masusugatan.
Hindi masasaktan.
Hindi mahihirapan.
Hindi parurusahan.
Sa lugar na hindi kailangan ng tanong na;
Bakit nga ba ako?
Ang bunga na hanggang ngayo'y naghahanap pa rin ng sangang makakapitan.
Nais ko na ring bumitaw.
Mga bisig ay matagal nang manhid at nangangalay.
Kailangan ko nang tugunan ang sariling kaligayahan, ngunit marami ang hadlang, marami ang mga lubid na humahatak upang sarili'y pahirapan.
Kailangan ko na ring umalpas, subalit pakpak ay walang lakas.
Nais ko na ring tumakas, ngunit mga kamay at paa'y may posas, nakakulong sa mga bakal na rehas.
Bakit nga ba ako?
Ang kailangang dumanas ng lahat ng hirap?
Hindi naman ako si Hudas.
Hindi rin ako si Barabas, ni hindi ako pantas na sumusuway sa batas.
Nais ko nang tumakas.
Sa parusa't piitan ng langit ay gusto ko nang lumabas.
Gusto ko nang lumabas.
Ayaw ko na ng dahas.
Buhay na ito'y nais nang magwakas.
Ayaw ko nang abutin ng panibagong bukas.
Wala na akong lakas.
Wala nang lakas.
Buhay ay nais ko nang magwakas—yumao.
Nais ko nang yumao.
Nais ko nang pumanaw sa ibabaw ng magulong mundo.
Bakit nga ba ako?

Sa Likod Ng Mga TugmaМесто, где живут истории. Откройте их для себя