PABORITONG LIBANGAN

120 2 0
                                    

  Magmula nang lisanin mo ang mundo na sabay nating kinalaban, 

                                    naging paborito ko nang libangan ang kalungkutan.

Nakabisado na kung paano papatak ang aking mga luha habang binabalikan ko ang ating 

nakaraan.

Sa kanan---

Iyon ang parte ng aking mga mata na naglalabas ng tubig dahil sa aking kabiguan.

Naging malaya ang aking isip sa paglalayag, 

                                 nagbabakasakali na muling magtagpo ang ating mga landas.

                 Baka sa dakong silangan kapag ang araw ay magsisimula nang lumabas.

                                  O baka sa kanluran na kung saan palihim itong tatakas.

Ito ang paborito kong libangan.

Ang paulit-ulit na bumalik sa ating nakaraan.

Iniisa-isa ang bawat patak ng mga luha sa aking daraanan, 

binibilang kung ilang butil ng lungkot ang aking pinakawalan,

kung nananatili pa rin bang poot ang mga marka ng pagkawasak.

Nakahiligan ko na nga ang matulog sa gabi na sariling mga kamay ay hawak,

kalawakan ay malawak ngunit ngiti mo pa rin ang humahalili sa mga talang maliwanag ang 

kislap.

Payapang mangungusap sa buwan habang ang mga luha'y dahan-dahang bumabagsak.

Unti-unti nang sinasakop ang dilim ng liwanag, ngunit patuloy pa rin ang pagbulong ko ng mga 

hinaing sa itaas.

Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay ako pa ang napili mo,

na sa bilyun-bilyong pag-ibig ay sa'yo pa ako natukso.

Sa iyo na iba naman pala ang mahal at gusto

Bakit nga ba ikaw pa ang minahal ko?

Magmula nang ikaw ay lumayo, 

naging paborito ko na nga ang mabuhay sa lungkot.

Naging bulungan ang hangin ng mga pagkatakot,

na baka sa ikalawang pagkakataon na magmamahal ako ay muling manariwa ang kirot.

Baka muli na namang mabaon sa sariling hukay ang mga piraso ng pusong nawasak at nadurog.

Ito ang paborito kong libangan.

Sa tuwing humahalik na sa mga bundok ang araw, 

sa tuwing ang mga bituin sa langit ay unti-unti nang dumudungaw,

nagsisimula na akong humagilap ng mga alaala na minsan nating sinabayan ng musika at sayaw.

Nakahiligan ko na ang ngumiti nang mag-isa.

Wala na akong pakialam kung ano ang isipin ng iba,

na baka baliw ako---tama sila.

Baliw ako sa pag-ibig ko sa iyo.

Kinalimutan ang sarili upang maibigay sa'yo ang buong mundo,

nagpakabayani sa pagpaparaya ng pagmamahal nang ikaw ay sumuko.

At ito nga ang aking paborito,

ang maghanap ng mga dahilan upang muli akong lumuha.

Ang bumalik sa selda ng iyong mga alaala.

Kaya hanggang ngayon ay nasa gitna pa rin ako ng siphayo at ligaya.

Patuloy na umaasang balang araw ay malilimutan din kita.

Na baka sa pagdating ng panahon ay iba na at hindi na ikaw ang maging paborito kong 

libangan.

Dahil nagsasawa na rin akong mabilanggo at makulong sa apat na sulok ng ating nakaraan.

Nais ko nang makalaya at umalagwa, magpakaligaw sa malawak na kawalan na hindi maririnig 

ang iyong pangalan.

Kaya patawad kung kailangan ko nang baguhin ang aking nakasanayan, 

palalayain ko na ang aking puso sa pagdaramadam,

ititigil ko na ang pag-aasam na maibabalik pa natin ang dating kaligayahan.

Dahil panahon na nga yata na palitan ang paborito kong libangan, 

hindi na ikaw at ang kalungkutan.



Sa Likod Ng Mga TugmaWhere stories live. Discover now