PA(G)HINGA

54 1 0
                                    

Kapag pagod ka na, subukan mong huminga nang malalim---magpahinga.

Isipin mong ikaw ay nasa kalawakan kasama ang mga tala, lumulutang na katulad ng mga ulap, lumilipad nang malaya.

Kalimutan ang bawat detalye ng pagpatak ng mga luha, burahin kahit na saglit ang masasamang alaala.

Pahinga, sa mga panahon na kalungkutan lamang ang palagi mong nakakasama.

Hindi naman kasi habambuhay na mag-isa ka,

 marami sila, 

hindi mo lang nakikita dahil nakatuon ka palagi sa isang tao na ang tanging alam ay saktan ka.

Pahinga, sa hindi na matapos-tapos na problema:

pamilya

barkada

eskwela

maging sa paghahanap ng matatawag mong sinta.

Hindi mo kailangang wakasan ang isang nobela na tatlo pa lamang ang kabanata,

hindi maaaring tuldok na lang parati ang mangingibaw sa iyong mga istorya.

Subukan mong mong gumamit ng kuwit---pahinga,

at pagkatapos ay magpatuloy ka.

Kailangan mo lang ng pahinga, hindi ng mga panapos na bantas,

kailangan mo lang na dagdagan ang iyong lakas.

Tumingala ka sa itaas, naroon Siya, 

payapang nagmamasid sa iyong pagkawasak.

Taimtim na nakikinig sa mga panalangin mong tila wala nang wakas.

Umasa palagi na marami ang naghihintay na bukas.

Hindi ka nag-iisa, kung mapagod ka man ay subukan mo lang na huminga nang malalim.

Kailangan mo lang ng pahinga upang magpatuloy sa paghinga.

Sa Likod Ng Mga TugmaWhere stories live. Discover now