MAY SARILING BATAS ANG PAG-IBIG

65 1 0
                                    

  Maraming batas sa bansa.
Madalas ay hindi na sinusunod ng madla, kaya dagdagan pa natin ang susuwayin nila.
May sariling batas ang pag-ibig; katulad ng batas trapiko.
Maghanda, magpatuloy , at huminto.
Matuto kang sumunod sa batas na ito, hindi dahil sa utos ito ng pangulo.
Maghanda, nang hindi maiipit sa pagitan ng mga sasakyang rumaragasa.
Hindi naman paligsahan ang pag-ibig kaya ayos lang kung ika'y mahuli,
Hindi ka pa ba nasanay sa trapik ng Edsa?
Hindi lahat ng nagmamadali ay nakakarating agad sa nais na marating.
Magpatuloy, ngunit huwag kalimutan ang matatalas na tingin,
Maging matatag sa paghawak ng manibela, baka malingat ka't masagi ng iba.
Ang mga paa'y itapak sa preno kung kinakailangan nang huminto.
Kung nasasaktan na't nangagawit na sa pagmamaneho.
Minsan kailangan ring magpahinga ng makina katulad ng puso.
Ayos lang ang maabutan ng trapiko, makakarating ka pa rin sa pupuntahan mo.
Ngunit huwag kalilimutan ang tatlong batas nito;
Maghanda
Magpatuloy
At matutong huminto kung pagod na puso.
Ito ang tatlong batas ng pag-ibig sa mundo ng trapiko.  

Sa Likod Ng Mga TugmaWhere stories live. Discover now