ANG NAGHIHINTAY

22 0 0
                                    

Sinabi ko sa'yo
palagi kang maghihintay
sa tamang oras
na laan ng tadhana.
Maghihintay ka pa rin
kahit malakas
ang buhos ng ulan
at nagbabadya
ang pagbaha.
Maghihintay ka pa rin
kahit marami nang senyales
ng pagkabagot
ang iyong nakikita.
Abutin ka pa man
ng hatinggabi,
hindi pagkainip
ang mamumutawi
sa iyong mga labi.
Dahil ang naghihintay
ay pagmamahal
at pasensya
ang palaging
ikunukubli.

Sa Likod Ng Mga TugmaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz