"DISTANSYA"

31 1 0
                                    

Mga ilang milya pa kaya?
Isa?
Dalawa?
O baka tatlo?
Lubha ngang ikaw ay malayo
Ni hindi ko tanaw ang iyong pagkatao
Anong hiwaga na ikinukubli mo?
Ang aking pag-ibig—
Nais ka nang masilayan
Ngunit paano?
Mahal wala akong mahanap na masasakyan
Walang gulong ang aking bisikleta
Ang oto ay naubusan ng gasolina
Hindi maaaring lakarin ko ang napakahabang daan
Pagod na akong mahirapan
Kaya't isa na lamang ang natitira kong paraan upang ikaw ay masilayan
Ang humimbing at sa panaginip ka na lang hagkan.

Sa Likod Ng Mga TugmaKde žijí příběhy. Začni objevovat