"Ang pagiging mabuti at pagbabago ay magkaibang bagay," Nakayuko siya kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Hindi na ako takot sa kanya. "Magiging mabuti ka kung tanggap mo sa puso mo na naging masama ka. Paano kung nagbago ka nga ngunit napasama ka naman?"

Lumingon siya sa akin. He is calm as I am sympathetic.

"WALA KANG ALAM SA PAGIGING HALIMAW." Mahina niyang sabi sabay tanggal sa kamay ko.

Gusto kong malaman kung paano. Ngunit baka hindi ko kayanin.Tumayo siya at tumungo sa direksyon ng gubat.

"Then tell me!" I shouted.

Napahinto siya sa paglalakad. Lumingon siya sa akin. Hindi ko maintindihan ang emosyon ng mukha niya. Kung may sasabihin ba siya o wala.

Tumalikod siya at nagpatuloy.

****

Wala akong ginawa buong araw kundi libutin ang paligid ng Mansion. May mga tanim pala na mga bulaklak sa likod nito. Kaya pala ang bango ng side na ito. Ibat-iba ang mga pananim. May mga rosas at daisies at may nakita din akong mga gumamela at santan. Nang dumaan ako sa gitna nito ay nagsiliparan ang mga paru-paro at tutubi. May isang dilaw na paru-paro na dumapo sa ilong ko. Nang ngumiti ako ay lumipad din ito. May mga lugar pa pala na sobrang ganda dahil sa pagiging payak nito.

Sa gilid ng taniman ay may lumang balon. Dito siguro kumukuha dati ng tubig ang mga nakatira dito. Malayo kasi ang batis kung mag-iigib ka mula doon. Lumapit ako sa balon at tinignan ang ilalim nito. Mukhang marumi na ang tubig dito. Marahil sa tagal na hindi ito nagagamit.

Hindi ko alam kung saan pumunta si Halimaw. Hindi naman siya nagpaalam matapos kaming mananghalian kanina. Ano ba ang gumugulo sa isipan niya. Dapat ko ba siyang unawain? Ngunit sabi niya na siya ang halimaw na pumatay sa mga kaibigan ko? Nagbago na siya. Sapat na ba ito upang kalimutan ang mga nangyari?

Sa ngayon ay hindi ko pa alam.

Palubog na ang araw ng pumasok ako sa Mansion. Bukas na rin ang mga ilaw pagkapasok ko. May narinig akong gumagalaw sa may kusina.

"KAMUSTA?" Tanong ni Halimaw.

Ginantihan ko lamang siya ng ngiti at lumapit sa kanya. Naghihiwa siya ng mga prutas. May mansanas, saging, guyabano at bayabas.

"ITO MUNA ANG HAPUNAN NATIN." Sabi niya.

"Muna? Napakaokay nga kapag ganito. Kesa naman sa tao." Ngiti ko ng nakataas ang kilay.

Ngumiti din siya. Nilimot na yata niya ang usapan namin kanina. Kinuha niya ang isang hati ng mansanas at akmang isusubo sa akin. Hindi ako ngumanga dahil sa hesitasyon.

"PWEDE BA?" Aniya.

Ngumiti nalang ako at binuksan ang bibig ko. Nagulat ako sa lasa ng mansanas. Ito yata ang pinakamasarap na mansanas na natikman ko. Sakto lang ang pagkatamis at ang tekstura nito ay kakaiba.

"MASARAP?" Patuloy siya sa paghihiwa.

"Oo. San mo ito nakuha?" Tanong ko.

"SA KABILANG BAHAGI NG BATIS AY MAY PUNO KAMI NG MANSANAS, DOON KO PINITAS ANG MGA ITO." Turo niya ng kanyang daliri sa direksyon ng batis. May isang salita na nakakuha ng atensyon ko.

GROWLING HEARTSWhere stories live. Discover now