Pagkawala ng pag asa

Start from the beginning
                                    

Ang layo ah!, at wait what!, half Foreigner na aswang?, ano kaya yun?.

Naglakad si elena papalapit sa aking kama para umupo.

" well, anak siya ng tito kong nakapang asawa ng koreana sa korea ,ngunit nauwi rin sa divorce ang kanilang relasyon, napiling kunin ng tito ko ang kanilang anak dahil sangol pa lamang si lee ay nagpakita na ng senyales na hindi siya tao, si lee ay isa sa mga karibal ko sa trono, pero hindi siya interesado na mamuno sa angkan"
magulong pagpapaliwanag ni elena.

Kaagaw niya sa trono ibig sabihin!, prinsipe yung isang yun!.

No way.....

Galit ba sa akin ang tadhana at lalo pa pinapataas ang balakid sa aking harapan... I mean what?...normal na ka uri ni maia is one thing pero isa pang nobilidad?!..prinsipe?....juice colored!.

Mas lalo akong na depress sa sinabi ni elena dahil sa aking nalaman.

Off course wala na akong pag asa, prinsipe pala ang aking karibal eh, bukod sa pagiging cute niya ay may mataas pala siyang posisyon.

"pero teka?, bakit siya nandito?"
tanong ko kay elena.

" Hmmp! yun. buti naman at naisipan mo itanong yan, actualy hindi rin alam ng angkan namin na naririto siya, ang alam nila ay nasa korea siya at doon gumagawa ng kalokohan"

Kalokohan?.

Ah...so?, parehas kayong runnaway?, magkadugo nga kayo!.

" ah, by the way jonathan, alam niya na nag e-espiya ako sa timog alam niya ang plinaplano ko dahil isa siya sa mga tao na pinagkakatiwalaan ko"

" nagtawag ka ng back-up?,"

" nope, sabi ko naman sayo dati na sekreto ang aking ginagawang pag e espiya, ang rason niya kaya siya naparito ay para protektahan ang mahal niya, at wala ng iba, wala siyang paki sa aking plinaplano at ayaw niyang makipag participate,"

" ano?"

Protektahan...ipaglaban.....mukang 100 years too early pa ako para makipag kumpetensya sa kanya...

.
.
.
.

" pero ok lang yun, dahil hindi niya naman layuning pigilan ako sa aking ginagawa"

Matapos niya magsalita ay nanahimik ako.
matapos makita ni elena na kasalukuyan akong ukupado habang nagiisip ay humiga siya sa aking kama.

Haaa...parang knight in shining armor ah..isang lalaking ipaglalabannang kanyang mahal hangang sa huli.

Wala ako kumpara sa kanya....

" elena...."

"Hmm? Anong problema?"

" posible bang maging couple ang isang tao at aswang?"

Anong sinasabi ko?.

Nakatalikod ako kay elena ng tanungin ko siya, hindi ko magawang humarap dahil  alam ko na ang kanyang sasabihin.

Nakarinig ako ng kakaibang tunog at tunog ng tila ba napupunit na damit na nangaling sa aking likoran kung saan nandoon si elena.

Haharapan sana ako ng bigla akong nakaramdam ng mabigat na bagay na dumagan sa akin.

Kasalukuyang naka anyong malaking pusa si elena habang ang isa sa kanyang mga matatalim na kuko ay nakatutok sa aking leeg.

"GRRRrrrr"

Nagkatitigan kami ni elena ng matagal at maya maya pa ay nanumbalik na siya sa anyong tayo, tumalikod siya at muling humiga sa aking kama sabay balot ng aking kumot sa kanyang hubad na katawan.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now